• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grab namumurong pagmultahin muli

NANGANGANIB na pagmultahing muli ang ride-hailing company na Grab.

 

 

Ito ay dahil kulang pa umano ng P6 milyon ang total refund na ibinibigay ng Grab sa mga pasahero.

 

 

Ayon sa Philippine Competition Commission (PCC), nasa P25 milyon ang multa ng Grab at nagsimula ang refund case noon pang 2019.

 

 

Sabi ni PCC officer-in-charge director Ivy Medina, nasa 70 porsyento pa lamang ang nare-refund ng Grab.

 

 

Pinag-aaralan pa aniya ng PCC ngayon kung pagmumultahin muli ang Grab.

 

 

“The commission is now considering whether or not the circumstances or the reasons for which that refund was not yet fully paid to consumers would merit another fine to be imposed on Grab. Please give us time to complete that decision-making process,” pahayag ni Medina.

 

 

Nabatid na ang refund case ay hiwalay pa sa ?40 milyong multa ng antitrust body sa Grab dahil sa kabiguan na tuparin ang price commitments.

 

 

“There’s about 30 percent remaining. I don’t know how much of that is because of that difficulty — some baka nawala na Grab account nila (some might not have their Grab accounts anymore). There are reasons being cited so that’s what’s being looked at by our adjudication office,” pahayag ni PCC chairperson Michael Aguinaldo.

 

 

Sa pahayag ng Grab, sinabi nito na tutuparin nila ang obligasyon.

 

 

“Grab Philippines remains fully committed to complying with its undertakings and commitments with the PCC, and doing right by its stakeholders — especially its millions of users,” pahayag ng Grab. (Daris Jose)

Other News
  • House-to-house COVID vaccination, OK sa Metro M’la mayors ‘pag natuloy ECQ – Olivarez

    Gagawing house-to-house ang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination sa Metro Manila sakali mang matuloy ang 14-day enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR).     Ayon sa Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, handa silang ipatupad ang ECQ kung ito ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force for […]

  • 2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN

    DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal […]

  • Phoenix Super LPG wagi kontra Meralco 116-98

    NILAMPASO ng Phoenix Super LPG ang Meralco 116-98 sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena & Cultural Center sa Pampanga.   Mula pa lamang sa simula ng laro ay hindi na pinaporma pa ng Fuel Masters ang Meralco.   Umabot pa sa 25 points ang naging kalamangan ng Phoenix.   Naging bida sa […]