Grab rider, 3 pa timbog sa Malabon, Valenzuela buy bust
- Published on April 14, 2023
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.1milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 39-anyos na Grab rider na naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alas-4:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCpt Alexander Dela Cruz ng buy bust operation sa P. Aquino Avenue, Brgy. Tonsuya na nagresulta sa pagkakaaresto kay Michael Repolido, 39, grab rider at Ryan Romero, 33, vendor, kapwa ng Caloocan City.
Nakuha sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price (SDP) value ng P81,600.00, P500 marked money at coin purse.
Sa Valenzuela, nabitag naman ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela CPS sa pangunguna ni PCpt Joel Madregalejo sa buy bust operation sa Felipe Suerte St., Fortune 2, Brgy., Gen T De Leon, alas-4:20 ng madaling araw si Harold James Royo, 25, ng Caloocan City.
Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, nasamsam kay Royo ang nasa 5 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 15-pirasong P500 boodle money at isang motorsiklo.
Samantala, narekober naman kay Lito Horillo, 55, ng Caloocan City ang nasa P37,400.00 halaga ng hinihinalang shabu, P300 buy bust money, P200 bills at cellphone matapos siyang madakip ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Calle Onse, Brgy. Gen T De Leon, alas-8:30 ng umaga.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon at Valenzuela CPS sa kanilang pagsisikap para maaresto ang mga taong nagpapakalat illegal na droga. (Richard Mesa)
-
DUTERTE PINAKIUSAPAN SA PAGBABALIK-SABONG
INAPELA ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin na ang gamefowl industry o cockfighting sa mga general community quarantine na lugar sa kapuluan. Sang-ayon kamakalawa kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, lumiham siya sa Punong Ehekutibo upang makiusap na payagan na ang mga pasabong na Malaki ang makakatulong sa pagbibigay ng […]
-
COVAX scheme humiling ng $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa
HUMILING ang COVAX scheme ng karagdagang $5.2-B na pondo para mabigyan ng COVID-19 vaccines ang mga mahihirap na bansa. Sinabi ni Gavi vaccine alliance chief Seth Berkley na ito ang kailangan nilang pondo para mabigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa sa susunod na tatlong buwan. Naabot kasi ng Covax […]
-
Swimmer patay matapos atakihin ng pating sa Australia
PATAY ang isang swimmer matapos na atakihin ng pating sa isang dagat sa Sydney, Australia. Ayon sa New South Wales Police naganap ang insidente sa Little Bay Beach sa Buchan Point, Malabar. Dahil sa dami at tindi ng sugat na tinamo ng biktima ay hindi na ito umabot ng buhay sa […]