• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DUTERTE PINAKIUSAPAN SA PAGBABALIK-SABONG

INAPELA ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin na ang gamefowl industry o cockfighting sa mga general community quarantine na lugar sa kapuluan.

 

Sang-ayon kamakalawa kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, lumiham siya sa Punong Ehekutibo upang makiusap na payagan na ang mga pasabong na Malaki ang makakatulong sa pagbibigay ng trabaho at pagbangon sa ekonomiya ng bansa.

 

“I take the liberty of reiterating our collective appeal to his Excellency’s sense of compas- sion for the resumption of cock- fighting in general quarantine areas in the country subject to applicable health and safety pro- tocols which the IATF may prescribe under the new normal,” wika ng congressman sa kanyang sulat na may petsang Oktubre 6 at pinadala na sa Malacañang Palace sa San Miguel, Maynila.

 

Hinirit ni Lagon, na ligtas nam- ing buksan na ang sabong sa mga GCQ area at payag nman ang mga stakeholder na magpatupad ng kinakailangang patakaran upang matiyak ang kaligtasanng mga mananabong sa Covid-19.

 

Nasa bilyong piso na rin aniya ang naglaho sa gamefowl, feeds industry at veterinary products sector dahil sa pandemya. (REC)

Other News
  • Gov Remulla pwede kasuhan sa Cavite rally ‘vote buying’ — abogado

    PUWEDENG kasuhan ng Commission on Elections (Comelec) mismo ang isang pulitiko sa probinsya ng Cavite dahil sa pamimigay ng pera bago ang isang political rally nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ayon sa isang election lawyer.     Martes nang mamataang namimigay si Cavite Gov. Jonvic Remulla ng libu-libong papremyo sa isang covered court […]

  • Puring-puri sa online world: Full trailer ng ‘Firefly’ nina ALESSANDRA, nakakapanindig-balahibo

    ‘NAKAKAPANINDIG-BALAHIBO.’      Ganito kung ilarawan ng netizens ang full trailer ng pelikulang ‘Firefly’, ang official entry ng GMA Public Affairs at GMA Pictures sa 2023 MMFF na ipalalabas sa December 25  sa mga sinehan nationwide.     Puring-puri sa online world ang trailer dahil sa magandang cinematography at mga nakapupukaw na eksenang talaga namang […]

  • Open na makapag-guest sa shows ng GMA: VICE, nalungkot pero walang galit sa TV5 at ‘di sinisisi ang TVJ

    NGAYONG July 26 na ipalalabas sa mga sinehan ang kauna-unahang pelikula ng reel & real life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang romantic-drama na “The Cheating Game” na produced ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.     Abala na nga sa mga promotion ang JulieVer at in fairness, nakikita […]