• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grade 8 student, timbog sa baril sa Malabon

ISANG Grade 8 na estudyante ang arestado matapos mabisto ng security guard ang dalang baril sa loob ng kanyang bag habang pumasok sa kanilang paaralan sa Malabon City.

 

Papasok na sa gate ng kanilang paaralan sa Arellano University Jose Rizal Campus sa may Gov. Pascual St. Brgy. Baritan ang 15-anyos na estudyante alas-11 ng tanghali nang suriin ng security guard na si Alenn Olorosa ang laman ng kanyang dalang bag at nakita sa loob nito ang isang kalibre .38 revolver na may kargang isang bala at isang basyo sa chamber.

 

Inireport ng security guard sa Malabon Police Sub-Station 7 ang pangyayari, kaya agad silang nagresponde upang kumpiskahin ang baril at isama sa presinto ang estudyante para sa wastong dokumentasyon bago siya ipasa sa pangangalaga ng Bahay Sandigan.

 

Ayon kay Malabon City Police Chief P/Col. Jay Baybayan, nagsimulang maghigpit ang pamunuan ng bawa’t paaralan sa lungsod matapos mapaulat ang insidente ng umano’y pagpapaputok ng baril ng isang Grade 7 na estudyante sa loob ng kanilang paaralan sa Dumaguete City, Negros Oriental, noong Biyernes na mariin namang itinanggi ng principal ng paaralan sa kabila ng mga nakuhang ebidensiya at testimonya ng pulisya.

 

Sinabi ni Col. Baybayan na iniutos niya sa kanyang mga tauhan na dalhin ang nakumpiskang baril at bala sa Northern Police District (NPD) Forensic Unit upang isailalim sa ballistic examination. (Richard Mesa)

 

 

Other News
  • Sec. Roque, tumanggi na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Cong. Mike Defensor

    TUMANGGI si Presidential Spokesperson Harry Roque na timbangin ang legalidad ng inisyatiba ni Anakalusugan party-list Representative Michael Defensor na mamahagi ng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City na isang paraan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infection.   Ang Ivermectin, na isang anti-parasitic drug na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19, ay hindi pa aprubado […]

  • P10 provisional minimum fare sa jeepney pinayagan ng LTFRB

    Inaprobahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang petisyon ng mga transport groups na magkaron ng P10 provisional minimum fare sa mga public utility jeepney (PUJs).       Ang minimum na P10 fare ay ipapatupad sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Mimaropa. Samantalang, ang ibang rehiyon sa bansa ay mananatiling P9 […]

  • Gallego, Asuncion lumundag sa ‘NC’

    MAGIGING leon na ang dating bulldog, samantalang isa pang tigre ang magiging cardinal.   Parang mga tipaklong na naglulundagan ang dalawang basketbolista ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) papuntang National Colleagite Athletic Association (NCAA).   Pinakabagong tumalon nitong Martes sina  National University Bulldog starter John Vincent ‘JV’ Gallego na umentra ng San Beda University Red Lions, […]