Granular lockdowns, ipatutupad sa mga high-risk areas- Galvez
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Secretary Carlito Galvez, chief implementer ng government’s response against COVID-19, na ipatutupad ang “granular lockdowns,” at hindi stricter quarantine sa mga high-risk areas.
Ang pahayag na ito ni Galvez ay tugon sa naging payo ng OCTA Research team na marapat na magpatupad ang pamahalaan ng stricter quarantine classification sa 11 lugar sa bansa kabilang na sa mga kinukunsiderang high-risk.
“Ang ginagawa po natin granular (lockdown),” ayon kay Galvez nang tanungin kung ang 11 recommended areas ay ilalagay sa ilalim ng stricter quarantine status gaya ng enhanced community quarantine (ECQ).
“Yung malakihang ECQ is not sustainable. Nakita namin ‘yung presentation ng NEDA na napakalaki ng epekto kapag ginawa natin ‘yung draconic lockdown,” dagdag na pahayag nito.
Ani Galvez, ang granular lockdown ay “complemented with syndromic surveillance,” kabilang na ang paghahanap ng finding COVID-19 cases kabilang na ang mga close contacts ng infected persons.
Sa October 6 report, pinayuhan ng OCTA Research team ang pamahalaan na magpatupad ng stricter quaran- tine classifications sa 11 areas, base sa data mula August 25 hanggang October 5.
Siyam na lugar ay kinukunsiderang high-risk dahil sa daily attack rate kada 1000 ay “greater than 1.0% and their attack rate for the current week is also higher compared to both of the two previous weeks.”
Ayon pa rin sa OCTA Research team, ang mga sumusunod na high-risk areas para sa COVID-19 na dapat ikunsidera ng pamahalaan na ilagay sa ilalim ng stricter quarantine ay ang:
• Benguet (kabilang na ang Baguio City)
• Davao Del Sur (kabilang na ang Davao City)
• Iloilo (kabilang na ang Iloilo City)
• Misamis Oriental (kabilang na ang Cagayan de Oro)
• Nueva Ecija
• Quezon
• Pangasinan (kabilang na ang Dagupan)
• Western Samar
• Zamboanga Del Sur (kabilang na ang Zamboanga City)
Bagama’t kinukunsidera bilang low-risk for COVID-19, inirekumenda rin ng mga eksperto na ang Cagayan at Isabela ay isailalim sa stricter quarantine classifications dahil sa limitadong healthcare capacity. (Daris Jose)
-
Grab namumurong pagmultahin muli
NANGANGANIB na pagmultahing muli ang ride-hailing company na Grab. Ito ay dahil kulang pa umano ng P6 milyon ang total refund na ibinibigay ng Grab sa mga pasahero. Ayon sa Philippine Competition Commission (PCC), nasa P25 milyon ang multa ng Grab at nagsimula ang refund case noon pang 2019. […]
-
Kaabang-abang ang una nilang pagtatagpo: ANDREA, natuloy na rin sa paglabas sa top-rating sitcom ni JOHN LLOYD
TULOY na ang paglabas ni Andrea Torres sa top-rating sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA na Happy ToGetHer. Sa bandang ending ng episode ng naturang sitcom noong nakaraang April 10, ni-reveal na magiging next celebrity guest ay walang iba kundi si Andrea. Simula noong mapag-usapan ang gagawin na sitcom na […]
-
NTC: Higit 11.2 milyong SIM card nairehistro na
UMAABOT na sa mahigit 11.2 milyon ang mga SIM cards na nairehistro sa bansa. Batay sa datos na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) kahapon, nabatid na hanggang nitong Enero 2, 2023, kabuuang 11,219,722 SIM cards na ang nairehistro. Kabilang dito ang 1,017,012 ng DITO Telecommunity; 5,030,649 ng Globe […]