Grassroots sports sa bansa tampok sa PSC-NSS ngayon
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
KAILANGANG masigla ang grassroots sports sa bansa para sa ikatatagumpay sa Summer Olympic Games ang magiging tampok sa ikatlong sesyon ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit 2021 ngayong Huwebes, Pebrero 11.
Ibubunyag ng PSC ang mga programang nakapokus para sa mga baguhang atleta bilang pundasyon tungo sa pagiging pinakamahuhusay sa elite sports sa pamamagitan ng Philippine Sports Institute (PSI) sa online summit.
Pangungunahan ni Dean Prof. Henry Daut ng PSC-PSI ang talakayan na nakatuon sa likas na katangian, katayuan, at hamon sa pagpapatupad ng mga hakbang na batay sa agham upang matapik ang lokal na mayamang mapagkukunan ng mga talent sa hinaharap.
“It is high time that we give educators, athletes, and sports stakeholders a clear picture of what the PSC has been doing through these years to develop the amateur talents we have,” pahayag sa Opensa Depensa ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez kahapon.
Iginiit ng pinuno ng palakasan sa bansa, ang kahalagahan para sa mga kabataan na lumingon sa palaro at makinabang mula sa mga hakbang na itinuturo na mahalaga sa oras ng pandemya na mag-iisang taon na sa papasok na buwan.
May mga kalahok mula sa iba’t ibang bansa ang mga bumahagi sa unang dalawang bahagi ng lingguhang panayam na ito kung saan ang bisita ang pangulo ng United States Sports Academy na si T.J. Pinangunahan din niya ang pagbubukas ng sesyon kasama si Davao del Norte Sports and Youth Development Head Giovanni Gulanes.
Sana’y makapulutan ito ng aral upang magkaroon ng mga tanggapan sa sports ang bawat lalawigan, lungsod, bayan at barangay sa kapuluan para sa ikauunlad ng sports sa ‘Pinas. (REC)
-
DOTr: Mga empleyado ng rail lines sumailalim sa antigen test
Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na may 345 na empleyado ng mga rail lines ang sumailalim sa antigen testing at nagpositibo matapos ang ginawang testing. Nagpositibo rin ang may 56 na empleyado matapos na sila ay sumaillaim naman sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR tests). May kabuohang 1,709 na […]
-
Ads February 22, 2020
-
Jesciel Salceda: PRRD agenda, panalo sa naudlot na PCL eleksiyon
DEKLARADONG “failed election” ang halalan ng Philippine Councilors League (PCL) sa SMX Convention Center, Pasay City noong ika-27 ng Pebrero at muli itong itinakdang ganapin sa loob ng dalawang buwan, ngunit ayon kay Polangui, Albay Councilor at PCLBicol Regional Chairman Jesciel Richard Salceda, ang pagkaudlot nito ay masigabong panalo para sa ‘reform agenda’ ni Pangulong […]