• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Jesciel Salceda: PRRD agenda, panalo sa naudlot na PCL eleksiyon

DEKLARADONG “failed election” ang halalan ng Philippine Councilors League (PCL) sa SMX Convention Center, Pasay City noong ika-27 ng Pebrero at muli itong itinakdang ganapin sa loob ng dalawang buwan, ngunit ayon kay Polangui, Albay Councilor at PCLBicol Regional Chairman Jesciel Richard Salceda, ang pagkaudlot nito ay masigabong panalo para sa ‘reform agenda’ ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kung saan kandidato siya sa pagka-PCL national chairman.

 

Binulabog ang eleksiyon ng diumano’y mga tangkang pandaraya at ‘computer software glitches.’ Sa mga ‘video’ na inilagay sa Facebook ipinakita ang ilang kunsehal na sinusubukan at pinipindot ang boto kay Salceda sa computer ngunit ang lumalabas na boto ay sa pangalan ng kalaban niya. Inimbestigahan ito ng PCL National Board at mga opisyal ng DILG na nagulat din sila sa natuklasan.

 

Ayon sa team ni Salceda, 9,100 sa 11,900 rehistradong delegado sa halalan ang nangakong sila ang iboboto. Dahil sa natuklasan, nagpasya ang karamihan sa mga kunsehal na pulungin ang kanilang General Membership Assembly na nagpasyang gawing ‘manual’ o manu-mano na lamang ang botohan, ngunit walang naganap na eleksiyon pagkatapos ng siyam na oras. Dahil dito, nagpasya nga itong ipagpaliban ang PCL election sa loob ng 60 araw at gawin ito sa ilalim ng superbisyon ng DILG.

 

Gayunman, inimungkahi ni Salceda sa kampo niya na manatiling kalmado at patuloy na panindigan ang tamang prinsipyo. Nagtapos sa Yale University sa Amerika, itinuturing niyang “binyag sa apoy” ang naranasan niya. Binigyan din niya na REPORMA ang ‘tunay na kandidato” sa PCL election, “lalo na ang mga repormang isusulong ng PCL sa ilalim ng bagong pamunuan nito.”

 

Ikinakampanya ni Jesciel na pamangkin ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, chairman ng House Ways and Means Committee ang mga pagbabago batay sa mga repormang adyenda ni Pangulong Duterte. Kasama rito ang ilang amyenda sa Saligang Batas, ang pagpapahaba sa limang taon sa termino ng mga opisyal ng LGU at mga kinatawan sa Kamara, at karapatan sa dalawang magkakasunod na reeleksiyon, at paglalagay sa Konstitusyon ng “Mandanas Ruling” ng Korte Suprema upang matiyak ang “patas na bahagi” ng mga LGU sa ‘Internal Revenue Allotment (IRA) fund.’

 

Ang PCL ay binubuo ng mga 17,000 kunsehal mula sa 146 na mga lungsod at 1,488 na bayan sa bansa. (Richard Mesa)

Other News
  • MPBL magiging pro league sa 2021?

    Maliban sa Philippine Basketball Association (PBA) ay magkakaroon pa ng isang professional basketball league sa bansa.   Ito ay sandaling magsumite ng aplikasyon ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ni Sen. Manny Pacquiao sa Games and Amusements Board (GAB) sa susunod na taon.   “Baka sakali magkaroon tayo ng professional basketball league pa na mga […]

  • Humbling experience na ginu-groom na ‘next big star’: RURU, feeling blessed and thankful sa opportunity na ibinigay ng GMA

    ISA si Ruru Madrid sa ginu-groom ng GMA Network to become it’s next big star.     Feeling blessed and thankful si Ruru sa opportunity na ibinigay sa kanya ng GMA at ng Sparkle (bagong tawag sa Artist Center na pinamumunuan ni Johnny Manahan).     Humbling experience daw ito for Ruru dahil alam niya […]

  • Indemnification bill, inaasahang titintahan ni PDu30 – Sec. Roque

    INAASAHAN na mapipirmahan na anumang oras ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Memorandum Order kung saan 50% limit on advanced payment sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid -19 ay papayagan na.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil sa MO na ito ay makakabayad na aniya ng advanced payment ang […]