• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Gringo’, intended para sa ‘50th MMFF’: ROBIN, wish na tanggapin ni SHARON ang offer na maging asawa sa biopic

NOONG Miyerkules, Hunyo 26, 2024, pormal nang in-announce ng Borracho Films na tuloy na ang gagawin nilang biopic ni dating Senador Gringo Honasan, na kung saan ang gaganap ay si Senator Robin Padilla.

 

 

 

 

Ang title ng film ay Gringo: The Greg Honasan Story, at ang tagline nito ay “An Ordinary Man Thrust Into Extraordinary Circumstances.”

 

 

 

Humarap sa mediacon na ginanap sa Cliffpoint Studio si Robin, kasama si Gringo, dating Secretary Mike Defensor na executive producer ng movie, si Eric Ramos na magsusulat ng script, at ang dalawang direktor na sina Lester Dimaranan at Abdel Langit.

 

 

 

Nasa Hong Kong naman si Atty. Ferdie Topacio na may-ari ng Borracho Films, kaya nag-join siya sa pamamagitan ng zoom.

 

 

 

Una nang gumanap si Binoe sa life story ni Senator Bato dela Rosa, at bumida rin siya sa 10000 Hours, na kuwento naman ni dating Senator Ping Lacson.

 

 

 

Inamin ng aktor na gustung-gusto niyang gawin ang naturang biopic dahil sa matinding paghanga niya sa katapangan ng dating senador na isa sa nagpasimuno sa EDSA People Power noong 1986, kasama ang pumanaw na dating Pangulong Fidel Ramos.

 

 

 

Masasagasaan ang dalawa niyang pelikulang ginagawa, ang kuwento ni Marcelo H. del Pilar at ang Bad Boy 3, dahil mas priority niya itong ‘Gringo’ movie, na intended for the 50th Metro Manila Film Festival sa darating na Kapaskuhan.

 

 

 

Sisimulan na raw nila ang shooting nito next week kaya puspusan na ang training niya ngayon.

 

 

 

Sa naturang mediacon din nalaman ni Robin na ang balak pala ng produksiyon na kuning leading lady niya sa movie ay si Megastar Sharon Cuneta.

 

 

 

“Ngayon ko lang narinig, nang i-announce ni Atty. Topacio, nagulat ako. Pero pina-message ko na, i-message nyo na si Ma’am,” pahayag ni Robin.

 

 

 

Sana raw ay tanggapin ito ng Megastar kaya gusto sana niya itong makausap.

 

 

 

“Sana. Kasi pag nakausap ko si Ma’am, sabihin ko namang ang pelikulang ito ay true story. Istorya ni Gringo.

 

 

 

“Palagay ko, mako-consider naman, kung hindi siya busy. Kung nandito siya sa Pilipinas.

 

 

 

“Ang ano lang naman dun, baka may concert siya sa labas… sa schedule niya.

 

 

 

“Pero sana matuloy, iba kasi ang value ni Sharon sa drama, iba. Siyempre, hindi naman mawawala ang kilig sigurado doon. Pero yung dramang dadalhin niya, iba ang intensity,” dagdag ni Robin.
Pahabol pa niya, “kung tatanggapin niya ito, mga dalawa o tatlong araw lang.”

 

 

 

Say pa ng senador, mas type talaga raw niya mag-drama pero nalinya talaga sa pag-a-aksyon.

 

 

 

“Ewan ko ba sa kanila, gustung-gusto kong mag-drama dahil maraming kissing scene,” pagbibiro niya.

 

 

 

“Katulad ng movie namin ni Regine (Velasquez) na ‘Kailangan Ko’y Ikaw’, drama ‘yun at malaki naman ang kinita nun.

 

 

 

“Pero tulad ng sinabi ng direktor na dahil nandito ako sa movie, kailangan na lagyan nila ng action. Pero ganun na nga ang repustasyon, siyempre hindi naman natin tatanggihan.

 

 

 

“Pero sa ngayon pag may matinding action scenes, hayaan na lang muna nating kumita ang mga stunt man.”

 

 

 

Matagal na raw silang hindi nagkakausap ni Sharon. Natuwa lang daw siya nang nakita niyang malaki ang ipinayat ng aktres.

 

 

 

“Nakita ko lang siya, very slim, fit. Sabi ko nga nung minsan, biniro ko, hindi lang ako sinagot, e.

 

 

 

“Sabi ko, ‘Puwede na tayong mag-love scene.’ Hindi ako sinagot,” sambit pa ng actor-politician.

 

 

 

Kahit si Gringo mismo ay sumasang-ayon dahil alam niyang bagay si Sharon na maging leading lady ni Robin, bilang asawa niya sa pelikula.

 

 

 

Samantala, may nagtanong kay Robin, kung na-enjoy na raw ba niya ang pagiging politician…

 

 

 

“Hindi ko mai-enjoy ito,” pag-amin ni Sen. Padilla.

 

 

 

“Iba talaga ang politician, mahirap matulog sa gabi. Hindi kagaya ng isang artista.

 

 

 

“Dito kasi, nagtrabaho ka na, tumulong ka na, pero pagdating ng gabi at natutulog ka na, naiisip mo na ang dami pa ring nagugutom at nangangailangan.

 

 

 

“Iba kasi pag artista ka at tumulong, pag-uwi mo masaya ka. Kasi hindi mo naman job yun, hindi mo tungkulin ang tumulong.

 

 

 

“Ang problema kasi, ‘yung sistema ay sobrang bulok. Kailangan talaga dating baguhin ang Saligang Batas.

 

 

 

“At sana ‘wag tayong mabuhay sa puro ayuda, pero walang trabaho.”

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Other News
  • Na-miss ang aso nang ma-confine: CARLA, muntik nang magka-sepsis dahil sa kidney stones

    SA wakas ay natapos na ang misteryo sa pagkaka-ospital ng ‘Widows’ War’ actress na si Carla Abellana nitong Agosto.   Ikinuwento ni Carla sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel (sa 24 Oras) na tatlong araw siyang namalagi sa ospital.   Lahad ni Carla, “Doon ko nalaman na may complications na pala; kidney stones, UTI, […]

  • Mahahalagang features sa bagong kasunduan sa pagitan ng gobyerno at Manila Water, isinapubliko

    ISINAPUBLIKO ng Malakanyang ang ilang mahahalagang features sa revised concession agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Manila Water.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, ang bagong kasunduan na nilagdaan ng Manila Water at Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay mayroong sumusunod na “key features” :   1. Pag-alis ng government non-interference clauses. […]

  • Employment rate sa Pinas, tumaas ng 96% noong Agosto

    TUMAAS ng 98% ang employment rate sa Pilipinas noong Agosto ngayong taon.   Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na nakapagtala ito ng 95.6% sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.   Sinabi ni Mapa na ang resulta ng pinakabagong labor force survey ay nagpapakita na ang employment rate noong Agosto ay mas mataas kaysa sa […]