GROUP TOUR, BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING
- Published on June 27, 2023
- by @peoplesbalita
NASABAT ng ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport ang labing-isa na indibidwal na hinihinalang biktima ng human trafficking biyaheng Dubai, UAE noong June 21, 2023.
Kabilang dito ang pitong babae a6 apat na lalaki na pinagdududahan sa initial inspection ng primary Inspector kaya ipinasa sila sa Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) for further investigation.
Sinabi ni Christabel O. Cuizon, Supervisor ng MCIA TCEU, na pagdudahan ang dahilan ng kanilang biyehe, kung saan ilan sa kanilang miyembro ay offloaded at hawak nila ang kanilang employment visas dahilan upang i-turn over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Task Force sa Cebu.
“We salute the hard work and dedication of our officers at the port.” Ayon kay BI Chief Norman Tansingco. GENE ADSUARA
-
Hungarian foreign minister, nag-courtesy call kay PBBM
MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Hungarian Minister of Foreign Affairs and Trade Peter Szijjarto sa Palasyo ng Malakanyang. Ang courtesy call ni Szijjarto sa Pangulo ay naglalayon na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Hungary. ”Well, I’m very happy to welcome you once again to […]
-
Hawaan ng COVID-19 sa NCR, bumagal
BUMABA pa sa 1.2 na lamang ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila hanggang noong Enero 19, mula sa dating 2.95 noong nakalipas na linggo. Sa kabila nito, nilinaw naman ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na nananatili pa rin ang rehiyon sa “very high risk” classification kaya’t pinayuhan ang mga mamamayan […]
-
Taliwas sa naging pahayag ni Direk Darryl: MTRCB, nilinaw na ‘di pa nila nirerebyu ang ‘Pepsi Paloma’ dahil kulang pa sa requirements
SA Facebook post ng controversial director na si Darryl Yap, nagpasalamat ito sa mga husgado at sinabing ni-review na ang pelikulang ‘Pepsi Paloma’ ng MTRCB. Ayon kay Direk Darryl, “Nagpasalamat na po ako sa husgado for protecting my rights of artistic expression and the public’s right to the truth. “The teaser is just a micro-part […]