• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Grupo ng mga gobernador, ihihirit sa IATF ang COVID-19 test sa lahat ng mga biyahero

Hinimok ng League of Provinces of the Philippines (LPP) ang Inter-Agency Task Force na obligahin ang mga biyahero na sumailalim sa COVI-19 testing sa entry point ng mga lalawigan.

 

 

Ayon kay LPP President at Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., hihilingin daw nila sa IATF na payagan sila na magsagawa ng alinman sa PCR test, saliva test o antigen test upang madetermina kung positibo sa virus ang mga magtutungo sa kanilang mga lokalidad.

 

 

Sakali namang antigen test ang gagamitin ng isang LGU at magpositibo rito ang isang indibidwal, sinabi ni Velasco na agad nila itong ika-quarantine at isasailalim sa confirmatory swab test.

 

 

Noong Marso 1 nang bawiin ng pamahalaan ang travel authority na inisyu ng PNP at ocal health certificate requirements para sa domestic travel.

 

 

Nababahala din daw si Velasco na maraming mga indibidwal ang asymptomatic o walang sintomas ng COVID-19.

 

 

Iginiit din ng opisyal na mahirap daw malaman kung carrier ng virus ang isang indibidwal kung susundin ang IATF Resolution 101. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Pagpapatupad na hakbangin ng MMDA para maibsan ang trapik sa EDSA

    HUMIRIT ang Malakanyang at hiningi ang kooperasyon ng publiko sa mga ginagawang hakbangin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang masolusyunan ang problema ng trapik sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa).   Ang pahayag na ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na magreklamo ang ilang motorista sa ginawang pagsasara ng MMDA sa mga […]

  • “A MAN CALLED OTTO” GIVES TOM HANKS HIS MOST MEMORABLE ROLE IN YEARS

    IN the emotionally inspiring tale A Man Called Otto, Tom Hanks stars as Otto Anderson, a grump who no longer sees purpose in his life following the loss of his wife.      Otto is ready to end it all, but his plans are interrupted when a lively young family moves in next door.   [Watch the […]

  • Mga naarestong sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong, mananatili sa BI

    MANANATILI sina Shiela Guo at Cassandra Li Ong sa Bureau of Immigration sa Maynila.           Si Shiela ay kapatid ni dismissed mayor Alice Guo.       Kasunod ito ng pagbalik nila sa Pilipinas matapos harangin at arestuhin sa Indonesia.       Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Asec. […]