GRUPO NG MGA MIDWIFE SA BUONG BANSA, UMAPELA SA DOH
- Published on March 1, 2023
- by @peoplesbalita
UMAPELA sa pamahalaan ang mga grupo ng mga kumadrona, partikular na sa Department of Health na huwag silang balewalain at kilalanin ang kanilang kontribusyon sa health sector.
Ayon kay Patricia Gomez, Executive Director ng Integrated Midwife Associations of the Philippines, Inc., o IMAP, isa sa kanilang hinaing ay ang Administrative Order 2012-0012 na nagsasaad na bawal sa kanila na magpaanak ng panganay at pang limang anak, dahil diumano ito ay nasa high risk level na.
Dagdagn pa rito ang iba’t-ibang dagdag na bayarin at penalty na nakaugat sa nasabing kautusan mula sa ahensya.
Dagdag pa ni Aileen Gay Vinoya Chapter President ng IMAP Rizal/Marikina chapter, “kami pong mga midwives ay masunurin at tumutulong sa aming kapwa, masunurin po kami sa lahat ng pinapagawa ng DOH at PHILHEALTH subalit hindi kami kinikilala, pinapatawan pa kami ng violations”
Tinukoy pa ni Vinoya ang Section 3 Article 12 of 1987 Philippine Constitution, dapat panatilihin ito ng gobyerno. “Pagtiwalaan nyo kami, may aral po kami registered po kami, paano namin tutulungan ang gobyerno pinapatay nyo kami, nagsara na ang ibang clinic kasi di kami nababayaran ng Philhealth”
Dagdag pa Vinoya na dahil sa panggigipit ng gobyerno ay nasasagasaan na ang kanilang karapatang magpractice ng kanilang propesyon, ang mga private lying-in clinic owners ay partners ng gobyerno, wag nyo kaming isantabi, isali nyo kami sa health system ng gobyerno wag nyo pong isantabi kaming mga midwives. (BISHOP JESUS “JEMBA” BASCO)
-
Meeting ni Sy sa PBA officials, mahiwaga
Tikom ang bibig ni Blackwater team owner Dioceldo Sy sa detalye ng kanilang meeting ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Willie Marcial. Tanging sinabi lang ni Sy ay “satisfied” ito matapos humingi ng paumanhin sa kanyang nasabi noong isang Linggo matapos silang (Blackwater Elite) patawan ng parusa at multa ng PBA dahil sa pag-eensayo. […]
-
Obiena papalitan bilang flag bearer sa Tokyo Games
Sa inilabas na direktiba ng Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) ay kailangang nasa Japan na ang mga flag bearers 48 oras bago ang opening ceremonies sa Hulyo 23. Dahil dito ay inaasahang papalitan ng Philippine Olympic Committee (POC) si national pole vaulter Ernest John Obiena bilang isa sa dalawang flag bearers ng […]
-
Kasunduan sa pagitan ng Pinas at China, makalilikha ng mas maraming IT-based jobs para sa mga Pinoy
UMAASA ang top diplomat ng Pilipinas sa China na ang kamakailan lamang na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ay makalilikha ng mas maraming job opportunities para sa mga Filipino customer service providers. Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan na naglalayong payagan ang mga Filipino na […]