• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GSIS, ikinasa na ang no-down-payment housing program

INILUNSAD na ng state-owned Government Service Insurance System (GSIS) ang bagong housing program na pinasadya para sa mga empleyado ng gobyerno na nagtatampok sa ‘zero down payment.’
Sa katunayan, inanunsyo ni Wick Veloso, GSIS president at general manager, araw ng Lunes, Hulyo 15, ang paglulunsad ng bagong programa, nagbibigay-daan sa mga ‘borrowers’ na pumili mula sa 2,000 GSIS-owned properties sa buong bansa.
Sa ilalim ng GSIS Pabahay program, maaaring makakuha ang isang manggagawa ng gobyerno ng isang property ng walang initial down payment. Sa halip, ang ‘eligible individuals’ ay maaaring makakuha ng mga property sa pamamagitan ng installment payments, gawing mas ‘accessible’ ang homeownership sa mga miyembro.
Winika pa ni Veloso na ang programa ay muling idinisenyo para mas maayos na ma-cater ang partikular na ‘housing needs’ ng kanilang miyembro.
“By eliminating the down payment requirement and offering a long-term installment plan, we are not just making homeownership more achievable for our members — we are providing an accessible and affordable housing program,” ayon kay Veloso.
“This combination of features is designed to open doors that were previously closed to many of our dedicated public servants,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, sa isinagawang GSIS stakeholders’ meeting sa Laoag, inanunsyo ng GSIS na ang bagong programa ay Nauna nang nakatanggap ng pagsang-ayon mula sa GSIS Board of Trustees.
Nagbigay ang Board ng ‘approval’ para sa updated guidelines, kung saan sa ngayon ay papayagan ang ‘current lessees to purchase their homes on an installment basis without any down payment.’
Ani Veloso, sinusuri naman nila ang karagdagang pagbabago para  i- enhance at ayusin ang Lease With Option to Buy (LWOB) program, gawin itong mas akma sa requirements ng mga miyembro nito.
Ang aplikante ay kailangan na aktibong GSIS members na mayroong ‘updated premium contributions, permanent employment status, mayroong minimum na tatlong taon ng serbisyo, at net take-home pay ng kahit papaaano ay P6,000 matapos ang loan deductions.’
“This program is about recognizing that those who dedicate their lives to serving our nation deserve a real shot at the Filipino dream. No more impossible cash requirements. No more deferred dreams. Just a clear path to a place they can finally call their own,”dagdag na wika pa ni Veloso. (Daris Jose)
Other News
  • Gilas Pilipinas nahaharap sa hamon dahil sa mga pagkaka-injury ng mga players

    NAHAHARAP ngayon sa isang hamon ang Gilas Pilipinas ilang araw sa pagsisimula ng panibagong windowsng FIBA Asia Cup.     Ito ay matapos na magtamo ng ankle injury si RJ Abarrientos habang nagpa-praktis.     Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, na kanilang oobserbahan pa ang 5-foot-11 na si Abarrientos kung tuluyang gagaling ang natamong […]

  • Robredo, nagdaos ng thanksgiving para sa mga supporters, volunteers

    NAGDAOS araw ng Biyernes, Mayo 13 ng thanksgiving event si Vice President Leni Robredo kasama ang buong Angat Buhay team sa Ateneo de Manila University (AdMU) campus.     Tinawag na “Tayo ang Liwanag”, sinabi ni Robredo na layon nito na ipaabot ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga supporters at volunteers na sumama sa kanyang […]

  • Mikey Garcia, napupusuan ni Pacquiao bilang susunod na katunggali – Roach

    Ibinunyag ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na napipisil umano ni Sen. Manny Pacquiao na makatunggali sa susunod nitong laban ang dating world champion na si Mikey Garcia.   Ayon kay Roach, may posibilidad din daw na mangyari ang nasabing laban sa Estados Unidos o sa Saudi Arabia.   “He will fight again, I […]