• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GSIS, mag-aalok ng emergency loan para sa mga biktima ng bagyong ‘Florita’

SINABI ng Government Service Insurance System (GSIS) na ia- activate  nito ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro  at  pensioners  na matinding tinamaan ng  tropical storm “Florita.”

 

 

Kadalasan na iniaalok ng GSIS ang emergency loans sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

 

 

“GSIS members who have an existing emergency loan balance may borrow up to P40,000 to pay off their previous emergency loan balance and still receive a maximum net amount of P20,000. Those without an existing emergency loan may apply for P20,000. Pensioners may likewise apply for a P20,000 loan,” ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso sa isang kalatas.

 

 

Hindi naman binanggit ni Veloso kung kailan tatanggap ang  GSIS ng aplikasyon para sa  emergency loan.

 

 

“Active members residing or working in affected areas as well as old-age and disability pensioners based in the same areas may apply for the loan after the areas have been declared under a state of calamity,” anito.

 

 

Ayon kay Veloso, ang mga kuwalipikadong mag-apply  ay iyong mga miyembro na aktibo sa serbisyo at hindi  “on leave of absence without pay; ” mayroong tatlong buwan na bayad sa  premiums sa nakalipas na anim na buwan;  walang nakabinbing administratibo o kasong kriminal at mayroong net take-home pay na hindi bababa sa P5,000 matapos na ang lahat ng required monthly obligations ay ibinawas.

 

 

“Aside from the emergency loan, our members may avail themselves of the multi-purpose loan plus, which has a loan ceiling of up to P5 million. Pensioners, on the other hand, may borrow up to six months’ worth of their pension under our enhanced pension loan program or up to P500,000,” ayon kay Veloso.

 

 

Samantala, naglaan  naman ang GSIS ng kabuuang P5.4 bilyong piso para sa  emergency loan assistance para ngayong taon. (Daris Jose)

Other News
  • P6.8 MILYON HALAGA NG DROGA, NASAMSAM SA 3 KABABAIHAN NA TULAK SA CAVITE

    TATLONG kababaihan na hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite Police at nasamsam sa kanila ang mahigit P6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Gen Trias City, Cavite Miyerkules ng gabi.     Kinilala ang mga suspek na sina Eman Bongcarawan y Mabandus, alyas “Eman”, 29, isang Lesbian; Norhanah Dirampatin y Didaagun, […]

  • Sobrang naka-relate sa role sa ‘Sinagtala’: RHIAN, pinasok ang pag-aartista para makabili ng drum set

    IPINAGDIINAN ng direktor na si Mike Sandejas nasa 30% lang ng pelikula ‘Sinagtala’ ang musical at ang natitira ay iikot sa drama ng buhay ng mga musikero, na kapupulutan ng mga aral sa buhay. Pinagbibidahan ito nina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, at Arci Muñoz kasama sina Rayver Cruz at Matt Lozano. Sa media con […]

  • President Duterte unveiled new train sets ng MRT 7

    Pinanguhan ni President Rodrigo Durterte noong nakaraang Huwebes ang unveiling ng mga bagong train sets para sa operasyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT 7) na magbubukas sa huling quarter ng 2022.     Ang bagong MRT 7 ay isang world-class na transportasyon at inaasahang makakatulong upang maging mas productive ang mga mangangawa at […]