GSIS, magbibigay ng financial aid sa 11 gov’t LIGTAS COVID centers
- Published on June 29, 2020
- by @peoplesbalita
Inanunsiyo ni Government Service Insurance System (GSIS) president at General Manager Rolando Ledesma Macasaet na magbibigay na rin sila ng financial assistance na aabot sa P700,000 sa 11 government Local Isolation and General Treatment Areas for COVID-19 cases o tinatawag na LIGTAS COVID centers.
Ang COVID center ay community isolation unit na nakalagay sa isang barangay, municipality, city o kaya probinsiya na nagsisilbing temporary shelter sa mga COVID-19 cases na nangangailangan ng quarantine o kaya ay isolation.
Tinukoy ng state pension fund ang 11 mga LIGTAS COVID centers na mabibiyayaan ng halos isang milyong piso na tulong pinansiyal ang mga nasa high-risk geographic areas sa National Capital Region, Region III o Central Luzon (except Aurora), Region IV-A o CALABARZON, Pangasinan, Benguet, Iloilo, Cebu, Bacolod City, Davao City, Albay, at Zamboanga City.
Ayon sa GSIS president, makakatulong ang P700,000 sa pagbili ng supplies at mga resources sa mga patient care equipment, tulad ng hygiene kits, handwashing facilities, oxygen support, maintenance at medication sa mga COVID patients.
“This corporate social responsibility initiative aims to enable local government units to prevent further transmission and manage cases of COVID-19 at the family and community levels,” ani Macasaet. “The centers will be selected by lead agencies, DOH and DILG.”
-
DOTr nagbabala sa mga opisyales ng rail lines sa nagbabantang “beep” cardshortage
NAGBIGAY ng babala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga opisyales ng rail lines na magkaroon ng alternatibong paraan dahil sa nagbabantang kakulangan ng mga beep cards sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1(LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT 1). Ito ay matapos hindi nakapag-deliver ang […]
-
Carlos Yulo nagkamit ng gold medal sa Japan tournament
Nagkamit ng gold medal si Filipino gymnast Carlos Yulo sa 2021 All-Japan Senior and Masters Gymnastics Championship sa Yamagata. Sinabi ng kaniyang coach na si Munehiro Kugemiya na nakakuha rin ito ng bronze medal sa vault event. Dagdag pa nito na nagtala ng 15.30 points si Yulo sa floor exercise at […]
-
Plunder at graft, isinampa vs Bantag
LALO pang nadagdagan ang mga kasong kinakaharap ni dating Bureau of Corrections (BuCor) head Gerald Bantag makaraang sampahan siya ng mga kasong plunder at graft sa Department of Justice (DOJ) kahapon. Si BuCor acting director Gregorio Catapang Jr. ang naghain ng mga kaso laban kay Bantag. Kabilang dito ang 11 kaso ng “malversation […]