• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GSIS pensioners, magsisimula nang matanggap ang Christmas cash gift sa Disyembre 6

SIMULA Disyembre 6 ay matatanggap na ng 300,000 old-age at disability pensioners  ng  Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang Christmas cash gift.

 

 

Sa katunayan ipalalabas na ang P3.47 billion na pondo para rito.

 

 

Ang  cash gift ay ike-kredito sa kanilang  eCards.

 

 

Sinabi ni GSIS President a General Manager Wick Veloso  na ang  Christmas cash gift ay katumbas ng one-month pension o P10,000 o kung ano ang mas mababa.

 

 

“Eligible to receive the Christmas cash gift are old-age and disability pensioners under Republic Act (RA) 8291 (GSIS Act of 1997); Presidential Decree 1146 (Revised GSIS Act of 1977); and Republic Act 660 (Magic 87, or the law that grants retirement at the minimum age of 52 as long as the member has been in government service for at least 35 years) who are receiving their regular monthly pensions and are alive as of Nov. 30, 2023,” ayon sa GSIS.

 

 

Kuwalipikado rin ang mga pensiyonado na makakuha ng five-year lump sum benefit at iyong mga ipinagpatuloy ang regular monthly pensions matapos ang Dec. 31, 2022 (kasunod ng five-year period); mga miyembro na nahiwalay na sa kanilang serbisyo mula 2007 hanggang  2023  bago pa naabot ang edad na 60 subalit nagsimula nang makatanggap ng kanilang  regular monthly pension mula  2018 hanggang ngayon ; at iyong naging  regular pensioners sa loob ng limang taon.

 

 

“Old-age and disability pensioners who are on suspended status due to non-compliance with the Annual Pensioners Information Revalidation will receive their cash gifts after they have reactivated their status,” ayon sa GSIS.

 

 

Samantala, ang mga hindi karapat-dapat na tumanggap ng cash gift ay  “pensioners who availed of the five-year lump sum but will receive their regular monthly pension after Dec. 31, 2023; survivorship and dependent pensioners; pensioners who retired under Republic Act 7699 (Portability Law or contributions under both Social Security System and GSIS for purposes of eligibility and computations of benefits); at iyong mga tumatanggap ng pro-rata pension.”

 

 

Ang mga bagong retirado mula 2019 hanggang  2022 na nag-avail ng 18-month cash payment ng kanilang  basic monthly pension at agarang pensyon sa ilalim ng  RA 8291 ay makatatanggap ng kanilang  cash gifts na limang taon matapos ang kanilang  retirement.   (Daris Jose)

Other News
  • Pagtatanggal sa mga corrupt sa PHILHEALTH, mas magiging madali kung matutuloy ang pagbuwag dito – Malakanyang

    PARA sa Malakanyang, mas madaling tanggalin ang bulok sa PHILHEALTH sa sandaling matuloy ang pagbubuwag dito.   Ito ang binigyang-diin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa gitna na rin ng inaasahang malawakang sibakang gagawin sa ahensiya dahil sa isyu ng korupsiyon.   Ani Sec. Roque, kapag na- abolish na ang PHILHEALTH ay mas madali nang […]

  • PNP may 3 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 Delta variant – ASCOTF

    Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayroon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay.     Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta […]

  • Amsali, Sanchez, Ynot dagdag pangil ng Beda

    MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa darating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament dahil may malulupit na bagong tatlong bagitong manlalaro.   Sinigurado na ng SBU na maisasalang sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at ang defensive player Tony Ynot na itinaas na sa senior […]