Amsali, Sanchez, Ynot dagdag pangil ng Beda
- Published on February 19, 2020
- by @peoplesbalita
MABANGIS pa rin ang San Beda University Red Lions sa darating na National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 96 men’s basketball tournament dahil may malulupit na bagong tatlong bagitong manlalaro.
Sinigurado na ng SBU na maisasalang sina Rhayyan Amsali, big man Justine Sanchez at ang defensive player Tony Ynot na itinaas na sa senior team mula sa juniors.
Ayon kay team manager Jude Roque, kuntento ang Beda sa naging desisyon ng tatlo dahil sila ang mga kapalit sa mga nawalang key player sa nakaraang taon.
“They will surely add more depth to our team, which as you all know lost key players from last season,” salamysay ni Roque sa pitak na ito.
“They will also add championship experience to our young roster, having won the NCAA Juniors title last year,” panapos niyang pahayag.
Nasa magaan pang preparasyon ang Mendiola-based squad para sa nakatakdang magsimulang NCAA seniors hoops sa darating na Agosto 1.
Pinangunahan nina Amsali, Sanchez at Ynot ang SBU Red Cubs upang talunin sakmalin ang Lyceum of the Philippine University-Cavite sa finals at kopoin ang titulo sa juniors division sa nagdaan taon.
May taas na 6-foot-3, nag average si Amsali ng 16.6 points, 9.0 rebounds, 4.1 rebounds at 1.6 steals para sa San Beda jrs.
Sige abangan natin kung may angas pa ang koponan.
-
Naghintay lang ng tamang oras para i-announce… EDGAR ALLAN, ni-reveal na December 2021 pa sila engaged ni SHAIRA
MABUTI naman at nakikipag-date na muli si Andrea Torres. Mula kasi noong nag-break sila ni Derek Ramsay noong 2020, wala na tayong nabalitaan na espesyal na lalaki sa buhay ni Andrea. Sayang naman na sa ganda at seksi niyang iyon ay tatanda siyang dalaga, hindi ba? Kaya sa pag-amin […]
-
Para sa mga aspiring singers: NINA, nag-advice na alagaan ang talent at ‘wag lumaki ang ulo
MAY advice o tips ang Diamond Soul Siren na si Nina sa mga baguhan o aspiring singers para tumagal sa industriya. “Alagaan ang boses, alagaan ang talent, and huwag lumaki ang ulo. “Kasi yun ang pinaka-first and foremost e, kasi automatic na parang feeling mo pag famous ka na, ang dami […]
-
Slaughter pinagsabihan ni Baldwin
BAGO pa magsabi sa Samahang Basketbaol ng Pilipinas (SBP) upang muling makapaglaro sa Gilas Pilipinas, dapat munang tuldukan ang sabit sa Philippine Basketball Association (PBA) mother ballclub, Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings. Iginiit ito Biyernes ni SBP Program Director Thomas Anthony (Tab) Baldwin kay BGSM free agent Gregory William (Greg) Slaughter na nagbalik […]