• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guarantee Letter ng DSWD, suspendido mula Disyembre 7

SUSPENDIDO pansamantala ang pagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Guarantee Letter simula Disyembre 7 hanggang 31, 2023 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng DSWD sa buong bansa.
Ayon kay DSWD Asst Sectretary Romel Lopez, ang hakbang ay upang bigyang-daan ang annual liquidation na bahagi ng taunang fiscal obligation ng ahensiya alinsunod sa utos ng Department of Budget and Management at ng batas.
Aniya, ang suspension ay magbibigay ng sapat na oras para maayos ang kailangang mga dokumento para mabayaran ng DSWD ang mga service providers sa mga naiabot na tulong sa mga kliyenteng nakakuha ng benepisyo mula sa ahensiya sa pamamagitan ng GL.
Ang GL ay kalimitang gamit pambayad sa hospital bills at iba pa.
Gayunman, patuloy naman ang pamimigay ng DSWD ng outright cash assistance para sa mga qualified beneficiaries. Ang pagkakaloob ng GL ng DSWD ay bukas ulit sa January 2024.
Other News
  • Pacquiao tipo ni Garcia

    MALABO nang makakaakyat ng ruwedang parisukat sa taong ito dahil sa pandemiya si reigning World Boxing Association (WBA) super featherweight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.   Pero may isang boksingero ang atat na makaupakan siya sa katauhan ni former four-division world champion Miguel Angel Garcia Cortez, na mas kilalang Mikey Garcia ng USA (40-1-0).   “Actually, […]

  • 350 sailors, marines nakiisa sa ‘ war fighting exercise’

    Nasa 350 Philippine Navy sailors at marines ang nakiisa sa war fighting exercise na kanilang tinawag na Exercise Pagbubuklod 2021 na isinagawa sa Marine Base Gregorio Lim, Ternate, Cavite.     Sa nasabing Joint Amphibious Operation on land and at sea nagpakitang gilas ang ilang mga bagong assets ng Philippine Navy at Marines.     […]

  • Dagdag-presyo sa produktong petrolyo sa ika-6 na sunud-sunod na linggo, asahan

    MULING magtatakda ng pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa ika-anim na magkakasunod na linggo.     Tataas mula P1.10 hanggang P1.30 ang singil sa kada litro ng gasolina.     Habang nasa P1.00 hanggang P1.10 naman ang magiging dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.     Papatak naman sa […]