Guce babawi sa Symetra
- Published on April 13, 2021
- by @peoplesbalita
TIYAK na reresbak si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa 16th Symetra Tour 2021 third leg – $200K 1st Casino Del Sol Golf Classic sa Abril 16-19 sa Sewailo Golf Club sa Tucson, Arizona.
Sumablay sa cut ang 30 taong-gulang, isinilang na Pinay na nakabase sa Estados Unidos at nasa ikaanim niyang taon sa Symetra, sa unang dalawang yugto ng official golf development tour at qualifier ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour .
Ito ay sa $200K 1st Carlisle Arizona Golf Classic noong Marso 18-21 sa AZ at sa $150K 9th IOA Championship sa California noong Mar. 26-28.
Ang pinakamaangas niyang taon sa ST ay nang makasambot ng dalawang korona noong 2016 sa Danielle Downey Credit Union Classic na may gantimpalang $30K (₱1.4M), at Decatur-Forsyth Classic na may premyongng $19.5K (₱947K).
Humampas na rin sa 19 na torneo ng LPGAT si Guce sa dalawang taong pagkampanya. Naka- 16 events siya noong 2019 at tatlo nitong 2020.
Pinakamagarang tapos niya sa isang event ay ang ika-12 puwesto sa Indy Women in Tech Championship sa Indianapolis na rito’y sinubi niya ang $33,573 (₱1.6M). (REC)
-
52 election-related violence incidents, naitala isang linggo bago ang May 9 election – PNP
NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 52 insidente ng election-related violence sa bansa isang linggo bago ang May 9 national at local elections. Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 28 mula sa 52 insidente ng election-related violence ang kumpirmadong walang kinalman sa nalalapit na halalan habang nasa 14 […]
-
PBBM, inulit ang pagsusulong para sa ratipikasyon ng RCEP
MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Business Opportunities Forum sa Japan ang ginagawang pagsusulong ng kanyang administrasyon para sa ratipikasyon ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) mega free trade deal, kung saan ‘signatory’ ang Pilipinas. Kamakailan, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) sa ipinalabas nitong kalatas na itinutulak ng Pangulo […]
-
Christmas party sa mga paaralan gawing simple – DepEd
HINILING ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan na gawing simple pero makabuluhan ang gagawing Christmas party kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Sa naipalabas na DepEd Order No. 052-2022, na nilagdaan ni Vice President at Education secretary Sara Duterte, nakasaad dito na kailangang magtipid dahil sa kasalukuyang kundisyon ng ekonomiya ng […]