• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guce sumalo sa ika-25 posisyon, binulsa P91K

WINAKASAN ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa even-par 72 upang mag-three-day aggregate six-under par 210 upang humilera sa triple-tie 25th spot na may $2,049 (P98K) each sa 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass Golf Club sa Harris, Michigan noong Lunes.

 

 

Malamig na laro ito sa torneo ng US-based Pilipina shotmaker na 11 palo ang layo kay event winner  Swiss Morgne Metraux na mayroong 67-199 at kinopo ang top purse $30K (P1.4M) sa ‘Road to LPGA Tour.’

 

 

May kalamangan lang na one stroke ang siya kay Canadian Maudee-Aimee Leblanc  na ang 71-200 ang nagpuwesto sa kanya sa ikalawa na may katumbas na  $18,784. Nasa ikatlong puwesto si Norwegian Celine Borge sa 65-203 na mayroong $13,674.

 

 

Papalong muli si Guce sa ST 17th leg $175K 3rd Prasco Charity Championship sa TPC River’s Bend sa Cincinnati, Ohio sa parating na 26-28. (REC)

Other News
  • Duque at Lorenzana naka-quarantine matapos makasalamuha ang mga COVID-19 positive

    Kapwa naka-quarantine matapos sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na sila ay ma-expose sa COVID-19.     Sinabi ni Duque na nakasalamuha nito ang isa sa kaniyang staff ay nag-positibo sa COVID-19 noong Disyembre 31.     Nakatakda itong sumailalim sa COVID-19 […]

  • Hirit na re-alignment ng P389-M fund sa Manila Bay rehab, malabo na – Palasyo

    BINIGYANG-diin ng Malacañang na huli na para i-realign ang P389 million pondo sa Manila Bay rehabilitation project.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasimulan na ang proyekto kaya kinakailangan na tapusin na ito at malabo ng i- divert pa ang nakalaang pondo.   Una ng binabatikos ang Department of Environment and natural Resources (DENR) […]

  • Derek, nag-react sa basher

    PINAG-USAPAN ng netizens ang ‘walang malisya’ post ni Ruffa Gutierrez ng mga photos na magkasama sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.   As usual, super react na naman ang netizens, may nakipagpustahan pa ng for sure, magkakatuluyan ang dalawa.   May nag-connect naman sa kanilang tatlo kay John Lloyd Cruz at isinabit na lang si […]