• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Guidelines, inilabas ng QC gov’t para sa mga magtatayo ng community pantry

Kasunod na rin ng pagkamatay ng isang senior citizen sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin, naglabas kaagad ang Quezon City government ng kanilang guidelines para sa pagtatayo ng mga community pantries sa lungsod.

 

Ito ay para matiyak na nasusunod ang mga health protocols at mapanatili ang peace and order sa gitna ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

 

 

Sa memorandum na may petsang Abril 23, 2021 na pirmado ni Mayor Josefina “Joy” Belmonte nasa siyam ang nilalaman ng protocol sa mga gustong magpatayo ng kanilang community pantries.

 

 

Kabilang dito ang koordinasyon sa mga barangay, sumunod sa covid health protocols, kailangang maging maayos at mayroong magmamando sa mga pantries.

 

 

Kasama pa rito ang oras ng pagbubukas ng mga pantries na alas-5:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

 

 

Dapat ding panatilihin ng mga organizers ang sanitation at cleanliness sa mga pantries.

 

 

Responsibilidad din dapat ng mga organizers ang food safety at kailangang fresh o hindi pa expired, hindi rin panis ang mga ipapamahaging mga pagkain.

 

 

Kailangan din ng mga organizers na maging patas sa pamamahagi ng mga pagkain sa pamamagitan ng paggamit ng points systems, pagbibigay ng mga stubs o coupons para sa mga bona fide residents lamang.

 

 

Maliban dito, kailangan ding makipag-ugnayan ang mga organizers sa Law and Order Cluster, regulatory departments at sa barangay.

 

 

At panghuli, ang guidelines ay epektibo na ngayon, maliban na lamang kung mayroong pagbabago rito o tuluyang bawiin ng City Mayor.

 

 

Una rito, sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Department of Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya sinabi nitong wala silang nakikitang dahilan para ipatigil ang mga community pantries sa bansa dahil malaki raw ang tulong nito ngayong panahon ng pandemic.

 

 

Dahil na rin sa pagkamatay ng isang katao sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin, plano ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gumawa na ng protocol sa mga community pantries na nagsulputan na sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay DILG Usec. Jonathan Malaya, sinabi nitong dapat ay hindi na maulit ang naturang insidente maging ang pagsisiksikan ng mga taong bumuhos sa naturang pantry.

 

 

Iginiit ni Malaya na kailangan talagang magpaalam sa barangay ang mga organizers ng community party para makapag-deploy sila ng kanilang mga tanod at mga barangay officials na magbabantay sa lugar.

 

 

Kung sakali raw kulang ang ipapadala ng barangay puwede naman silang makipag-ugnayan sa PNP dahil handa naman ang barangay na tumulong dito.

Other News
  • Empowering Film ‘She Said’ Based on True Events

    TWO-TIME Academy Award® nominee Carey Mulligan (Promising Young Woman, An Education) and Zoe Kazan (The Plot Against America, The Big Sick) star as New York Times reporters Megan Twohey and Jodi Kantor, who together broke one of the most important stories in a generation— a story that shattered decades of silence around the subject of […]

  • BULACAN SUPPORTS PLANTSMART

    Sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro kasama ang mga kinatawan mula sa Smart Communications, Inc. sa isinagawang ceremonial turnover ng 25 kahon ng #PlantSmart Planting Kits sa Grupo ng mga Single Parent ng Bulacan bilang isa sa kanilang mga benepisyaryo matapos ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Bulacan Capitol Gymnasium, […]

  • Malakanyang, hindi kukunsintihin ang mga indibidwal na nag-LGU hopping para magpa-booster shot

    TINIYAK ng Malakanyang na hindi nila kailanman kukunsintihin ang mga taong nag-LGU hopping para makakuha ng booster shot.   Ani Sec. Roque, marami pang hindi nababakunahan bukod pa sa illegal ang ganitong hakbang.   “So ang pakiusap natin, lahat naman ng bakuna ay nagbibigay proteksiyon, so hintayin muna natin magkaroon ng bakuna ang karamihan ng […]