Guidelines sa motorcycle taxis inilabas
- Published on November 12, 2020
- by @peoplesbalita
INILABAS na ng National Task Force Against COVID-19 at ng Department of Transportation (DOTr) ang operational guidelines sa mga motorcycle taxis at mga tricycle back-riding upang mas madagdagan ang pampublikong sasakyan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay maayos ang kalusugan ng mga motor taxi drivers at may sertipikasyon ng clinic na accredited ng Department of Health.
Kailangang magsuot ng protective gear gaya ng jacket o long-sleeve shirt, closed shoes, long pants habang nasa biyahe ang driver at pasahero.
Dapat din may reflectorized vest na may motorcycle taxi branding at identification card, at siguraduhin na lahat ng drivers ay bahagi ng DOTr, TTWG, motorcycle taxi pilot study driver master list.
Kailangan ding may sariling helmet na may full-face visor habang nagbibiyahe na magsisilbing face shield. Magsuot ng face mask na natatakpan ang ilong at bibig.
Kukunin din ang body temperature at motorcycle sanitation report bago magsimulang bumiyahe sa motorcycle network company o ride-hailing service.
Titiyakin din na ang mga kamay ng driver at pasahero ay nag-sanitize bago sumakay ng motorsiklo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
P4.5 trilyong national budget pirmado na ni Duterte
Nilagdaan na kahapon, Dec 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021. Sumaksi sa paglagda ng 2021 General Appropriations Act ang ilang lider ng Senado at House of Representatives. Nakapaloob din sa GAA ang alokasyon para sa COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P72.5 bilyon. Nasa P2.5 bilyon […]
-
MAX, nambulabog dahil mabilis na naibalik ang seksing katawan bago siya nabuntis
SUNUD-SUNOD ang pambubulabog ni Max Collins sa pag-post nito sa social media ng kanyang post-baby body pagkatapos nitong manganak last year. Eight months na ang nakaraan noong isilang ng Kapuso actress noong July 2020 si Skye Anakin. Pero mabilis na naibalik ni Max ang dati niyang seksing katawan bago siya nabuntis. […]
-
HEALTHCARE IS NO.1 — PBBM
NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na titiyakin niya na ‘accessible’ ang medical care para sa bawat Filipino. Inulit ng Pangulo ang kanyang ‘strong commitment’ na iprayoridad ang healthcare system sa Pilipinas. “Number one talaga, number one para sa akin sa priority na ginagawa ng pamahalaan ‘yung healthcare,” ang sinabi ng Pangulo […]