Guiness World Record para sa Longest Line of Bowls of Noodles, nasungkit ng Malabon
- Published on March 24, 2025
- by @peoplesbalita
NASUNGKIT ng Lungsod ng Malabon ang Guiness World Record para sa may pinakamahabang linya ng mangkok ng noodles nang maitala ang 6,549 mangkok na naglalaman ng bantog na Pancit Malabon.
Mismong si Mayor Jeannie Sandoval ay nakibahagi sa preparasyon sa paglalagay ng Pancit Malabon sa mga mangkok na naglalaman ng minimum na 100 gramo ng luto ng noodles hanggang sa maayos na pagpupwesto ng mga ito sa mesa upang masigurong magtatagpo ang magkabilang dulo ng linya na sinimulan pasado alas-11 ng tanghali na ginanap sa Malabon Sports Complex, noong Marso 21, 2025.
Ang kaganapan ay nilahukan ng 12-bantog na mga panciteria sa lungsod na may kanya-kanyang paraan ng pagluluto ng Pancit Malabon na dinarayo ng kanilang mga parokyano.
Ayon kay Mayor Jeannie, nilagpasan nila ang hawak na rekord ng Jinshi Beef and Rice Noodles Association ng China na mayroon lamang 3,988 na linya ng mga mangkok ng noodles.
Sinabi pa niya na hindi lamang ang pagsungkit sa bagong rekord ang kanilang ipinagdiriwang kundi higit ang kanilang mayamang kultura, bantog na mga pagkain, at ang walang hangganang pagtutulungan at bayanihan na sumisimbulo at tumutukoy kung ano ang Malabon.
“Nais din po nating maitala ang Malabon sa mapa ng buong mundo bilang isang lungsod na mayaman sa sining ng pagluluto at nagawa po natin yan ngayong araw,” ani Mayora Sandoval.
Noon pa man ay bantog na, hindi lang sa mga karating lungsod at lalawigan ang Pancit Malabon kundi sa buong kapuluan, na dahilan ng pagdami ng mga panciteriang nagbebenta ng ganitong uri ng pagkaing na may mga sangkap na malalaki o maliliit na noodles, hinimay na tinapa, chicharon, red palm oil, kropek, paminta, fish sauce pusit, hipon, at kalamansi.
Pinangasiwaan ni Guiness adjudicator Sonia Ushirogochi ang naturang kaganapan na kanyang masusing sinuri ang mga pamamaraan at paghahanda bago kumpirmahin ang tamang bilang ng linya ng mga mangkok. (Richard Mesa)
-
Blackwater parurusahan ng PBA; iligal na nag-ensayo
Nabisuhan ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang management ng Blackwater upang magpaliwanag kaugnay sa sinabi sa interview ng may-ari ng team sa national television na sumabak na sa workout ang Elite noong nakaraang linggo. Sa sulat na pirmado ni Marcial na may petsang July 14 at naka-address kay team governor Silliman […]
-
Si Cristine naman ang girl crush ni Angelica: MARIAN, parang may sariling ‘ring light’ at gustong I-kiss ni CANDY
TINANONG namin ang dalawang bida ng GL o Girls Love movie na ‘Pin/Ya’ na sina Candy Veloso at Angelica Hart, kung sino ang celebrity girl crush nila? “Cristine Reyes, sobra po,” bulalas ni Angelica. ”Kasi may istorya yan dati, nakita ko siyang naka-sports car na red, tapos, parang bata pa ko nun, tapos nakita ko siya. “Sabi ko siya […]
-
CIDG at Anti-cybercrime group, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon
NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng CIDG at Anti-Cybercrime Group sa umano’y naging paglabag ng mga pulis na humingi ng detalye at affiliation ng mga organizers at volunteers ng community pantries. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ronaldo Olay, na kabilang din sa pinaiimbestigahan ni PNP chief Debold Sinas ay ang […]