• May 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Blackwater parurusahan ng PBA; iligal na nag-ensayo

Nabisuhan ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial ang management ng Blackwater upang magpaliwanag kaugnay sa sinabi sa interview ng may-ari ng team sa national television na sumabak na sa workout ang Elite noong nakaraang linggo.

 

Sa sulat na pirmado ni Marcial na may petsang July 14 at naka-address  kay team governor Silliman Sy, tinatanong ng liga kung ano ang tunay na nangyari sa umano’y isinagawa nilang iligal na practice session.

 

Kahit pa binigyan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ng go-signal ang PBA na magbalik sa ensayo, sinisilip pa umano ng liga na simulan ang pormal na ensayo sa July 22 kapag sumailalim na ang lahat ng manlalaro at personnel sa swab testing procedure base na rin sa isinumiteng health protocols.

 

Nakalulungkot umano na agad nang sumabak ang Elite sa ensayo base sa sinabi ng may-ari ng koponan na si Dioceldo Sy sa isang television interview.

 

Ayon sa interview, sinabi ni Sy na kasama niya sina Phoenix coach Louie Alas at NorthPort team governor Eric Arejola na nagsagawa ng ensayo noong Sabado kungsaan hinati umano ang walong manlalaro sa tig-apat at kada session ay tumatagal ng isang oras kasama ang shootaround at conditioning.

 

Sa ilalim nang inaprubahang IATF protocols na ibinigay ng liga, tanging apat na manlalaro kasama ng kanilang coach at safety officers ang papayagan sa loob ng training facility.

 

Kahit umano sinunod ng Elite sa ilang mga protocol, nais pa rin umanong kuhanin ni Marcial ang paliwanag ng koponan sa pagsasagawa nito ng training ng mas maaga kumpara sa ibang teams.

 

Matatandaang pinarusahan ng liga si Ginebra center Japeth Aguilar dahil sa pagsabak nito sa ensayo kasama ang ilan pang sikat ng manlalaro sa gym sa San Juan City, Metro Manila.

Other News
  • Mga nurse sa bansa in-demand pa rin sa abroad -DOLE

    NANANATILI pa ring in-demand ang mga Filipino nurses sa ibang bansa kahit na may ipinapatupad ang gobyerno ng temporary ban dahil sa COVID- 19 pandemic.   Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na masipag ang mga Filipino nurses kaya in-demand pa rin ang mga ito sa ibang bansa.   […]

  • China, ibinasura ang ‘unwarranted accusation’ ng Pinas ukol sa fishing ban

    IBINASURA ng China ang “unwarranted accusation” o protesta ng gobyerno ng Pilipinas laban sa unilateral imposition nito sa fishing ban sa mga lugar na extended sa West Philippine Sea (WPS).     Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian na ang naging deklarasyon ng Beijing na fishing ban, na naging epektibo noong Mayo 1 […]

  • SIMULATION, GAGAWIN SA AIRPORT

    MAGSASAGAWA   ng simulation sa  airport  ang Department of Health (DOH) bukas  kasama ang tatlong malalaking ospital bilang paghahanda sa darating na mga bakuna na dadalhin sa mga storage  facility o  vaccine hub.   Ayon kay Usec Maria Rosario Vergeire, mula sa paliparan dadaan sa clearance mula sa Bureau of Customs (BOC) bago ito ilabas […]