Guinto napasakamay ng RoS; Onwubere, Doliguez NP na
- Published on January 26, 2021
- by @peoplesbalita
PINAKAWALAN ng Rain or Shine ang dalawang malaki para sa isa lang.
Aprubado na kay Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido Marcial ang pakikipagpalitan ng RoS sa NorthPort.
Ibinigay ng Elasto Painters sina Sidney Onwubere at Clint Doliguez sa Batang Pier para mabingwit si Bradwyin Guinto.
Sasama si Guinto sa dalawang pangunahing panggitna ng koponang pintura ni coach Carlos ‘Caloy’ Garcia na sina Beau Michael Vincent Belga at Norberto Brian ‘Norbert’ Torres.
Naisasalpak na si Onwubere sa rotation sa 45th PBA 2020 Philippine Cup sa Angeles, Pampanga bubble, kumakain na rin ng ilang minuto si Doliguez na incoming sophomore sa parating na ika-46 na edisyon ng propesyonal na liga sa Abril 9.
Dagdag pangrelyebo pa ni GP coach Alfredo Lorenzo ‘Pido’ Jarencio kina Christian Standhardinger at Kelly Nabong si Onwubere.(REC)
-
Sa October na ang kasal nila ni Timmy: MAXINE, hands-on sa preparations para sa church and beach wedding
ILANG buwan na lang at ikakasal na si Maxine Medina sa kanyang fiance na si Timmy Llana. Hands-on ang former Miss Universe-Philippines 2016 sa wedding preparations kaya minsan daw ay overwhelmed siya. Pero ginagawa na lang daw niyang masayang activity ang pag-asikaso ng kanyang nalalapit na kasal. “As the […]
-
Pacquiao vs Ugas: ‘We’re going to give a big gift to the fans’
Nagkaharap-harap sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng virtual press conference sina Sen. Manny Pacquiao at ang bagong makakalaban sa welterweight championship na si Yordenis Ugas. Ayon sa eight-division world champion, excited na rin siya na makaharap si Ugas dahil championship pa rin naman ang kanilang paglalabanan. Kung maalala una nang naasar […]
-
4 drug personalities timbog sa Caloocan at Valenzuela
Apat na hinihinalang drug personalities ang naaresto ng pulisya sa buy bust opration at isang checkpoint sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities. Dakong alas-2:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces ng […]