Gulo sa Kongreso, maglalatay sa administrasyon at hindi sa mga indibidwal na nagbabangayan para sa kapangyarihan – PDu30
- Published on October 12, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sa administrasyon babagsak ang nangyayaring gulo sa kasalukuyan ng mga kongresista na patuloy na nagbabayangan bunsod ng usapin tungkol sa kapangyarihan.
Ani Pangulong Duterte, hindi naman mga pangalang “ Alan o Lord” ang babanggitin ng mga tao kapag napag- usapan ang away sa Kongreso.
Ang maaalala aniya ng tao sa gulong nangyayari sa Kongreso ay naganap ito sa kanyang Administrasyon sa halip na ibato ang baho sa mga mambabatas na nag-aagawan ngayon sa kapangyarihan.
Sinabi ni Pangulong Duterte na ang gusto niya sana’y maging maganda ‘ang kanyang administrasyon at huwag makaladkad o madamay sa bangayan ng mga nagbabanggaang kongresista.
Kapag nangyari aniya ito sabi ng Pangulo ay doon na magkakaroon ng problema. (Daris Jose)
-
Tuloy ang selebrasyon sa pagdiriwang ng kapistahan ng Quiapo
NAGPAHIWATIG ang isang Pari na tuloy ang selebrasyon pero hindi katulad ng tradisyon na ginagawa. Ito ang inihayag ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong kaugnay sa nalalapit na pagditriwang ng Kapistahan ng Quiapo. Ayon kay Fr. Badong, maaring hindi matuloy ang tradisyunal na Traslacion ngunit mayroon silang plano upang sa gayon […]
-
HEART, nagsimula na ng lock-in taping kasama si PAOLO sa Sorsogon after ng required quarantine days
TULOY na tuloy na ang world premiere ng Legal Wives sa Monday, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad. Marami na ring naghihintay kung kasama pa rin si Ms. Cherie Gil sa story kahit hindi na nito tinapos ang family series tungkol sa mga Mranaw. Naroon pa […]
-
PBBM sa AFP, tiyakin ang mapayapang BARMM Parliamentary elections
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sulu na tiyakin na makapagdaraos ng mapayapang eleksyon para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliament sa susunod na taon. Kailangan na ang BARMM parliamentary elections ay mapayapa at ligtas, ang sinabi ng Pangulong […]