• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

GUMAGAWA NG COMMUNITY PANTRY, HUWAG ISTORBOHIN, ISKO

NAGBIGAY ng direktiba sa Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa pamunuan ng Manila Police District (MPD) na huwag istorbohin  ang sinumang gumagawa ng kabutihan.

 

Ayon kay Yorme, maaari nang ituloy ng Pandacan Community Pantry ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

 

Mismong si Manila Mayor Isko Moreno na ang nagsabi na maaari nang ituloy ng Pandacan Community Pantry ang kanilang ginagawang pagtulong sa mga taong apektado ng COVID-19 pandemic.

 

Ito ay matapos na itigil ng organizer ng Pandacan community pantry ang kanilang community pantry  dahil sa pangamba sa kanilang buhay dahil sa umano’y profiling ng mga pulis ng MPD.

 

Sinabi ng Alkalde na suportado  ng local na pamahalaan ng Maynila ang community pantry sa Pandacan at iba pang kahalintulad sa lungsod ng Maynila.

 

Maari rin aniyang magtungo sa Manila City Hall ang organizer ng Pandacan Community Pantry upang personal siyang makausap at ilahad ang kanilang mga concern o sitwasyon.

 

Sinabi naman ni MPD director P/BGEN Leo Francisco na walang pag-uutos ang MPD at kahit mula sa leadership ng Philippine National Police o PNP na mag-profiling.

 

Sa halip,sinabi ni Francisco na handa raw ang MPD na tulungan pa ang mga mayroong may community pantry pagdating sa seguridad at pagpapatupad ng health protocols kontra COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3

    Ang kalituhan sa payment scheme o paraan ng pagbabayad ng toll ang naging sanhi nang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Skyway Stage 3 noong Lunes.     Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang […]

  • Malakanyang, nanawagan kina VP Leni Robredo at Senador Franklin Drilon na tigilan ang pamumulitika

    NIRESBAKAN ng Malakanyang ang tila maagang pamumulitika nina Vice-President Leni Robredo at Senador Franklin Drilon.   Ito’y makaraang sabihin ni Senador Franklin Drilon na 2.5-billion pesos lang ang napondohan sa pagbili ng COVID vaccine habang ang natitirang pondong dapat gamitin ay wala pa umanong revenue source.   “Malayo pa ang eleksiyon kaya’t tigilan na ang pamumulitika,” […]

  • Big night ni Derrick White, nagdala sa Celtics sa 3-1 edge vs Heat

    NAGBUSLO  si Derrick White ng 38 puntos sa 15-for-26 shooting, kabilang ang 8-for-15 victory mula sa 3-point range, at ang Boston Celtics ay namayagpag sa 102-88 panalo laban sa host Miami Heat. Nagdagdag si Jayson Tatum ng 20 points at 11 rebounds para sa Celtics, na nasungkit ang 3-1 lead sa best-of-seven Eastern Conference quarterfinal […]