• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gumamit ng teknolohiya para labanan ang krimen, magsilbi sa mga Filipino

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 223 bagong uniformed personnel sa ilalim ng Philippine National Police Academy (PNPA) “Layag-Diwa” Class of 2024 na gamitin ang teknolohiya sa paglaban sa krimen at pagsisilbi sa mga mamamayang Filipino.

 

 

“Most of you were born when the internet was no longer in its infancy, and you were shaped to be tech savvy, digital natives. I challenge you to leverage that technology that you are familiar with as aids in protecting and serving our people, especially in battling cybercrime. I ask you to embrace smart policing, fire prevention, and penology,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 45th PNPA Commencement Exercises sa Silang, Cavite.

 

 

“There is still no substitute for pounding the streets.  When it comes to assuring the people, analog will always beat digital. But there is now a need to patrol the information highway for robbers lurk there, too. The fight against crime is now a potent mix of gadgets and war rooms, and old-fashioned grunt work, by gritty police officers,” ang pahayag pa rin ng Chief Executive.

 

 

Gayundin, hinikayat ni Pangulong Marcos ang PNPA graduates na nakatakdang sumapi sa Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na gumamit ng information technology para mapahusay ang pagpapaabot ng serbisyo habang pinaliliit ang gastos.

 

 

“We should not be content with current fire response time, but instead strive to make it faster. We should not crow about jail improvements, but we should push the envelope further, lessening congestion. And most of those in uniform have kept the values and principles that define who public servants truly are,” aniya pa rin.

 

 

Gayundin, pinaalalahanan ng Pangulo ang mga bagong uniformed personnel na ang kanilang serbisyo ay “not a race to collect insignia nor accumulate prized assignments.”

 

 

“Let me remind you that your career should not be measured by the speed you have moved up the ranks alone, but by the quality of the service that you have given to our people… It is to do as much good as often to as many without expecting any reward in return, because service itself is our reward,” ang winika ng Pangulo.

 

 

Samantala, kasama ng Pangulo sina Vice President Sara Duterte at Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. sa 45th PNPA Commencement Exercises. (Daris Jose)

Other News
  • James, Issa at Enrique, sumuporta sa advanced screening: LIZA, nag-shine at nag-iwan ng marka sa ‘Lisa Frankenstein’

    NAG-SHINE ang Filipino actress na si Liza Soberano sa kanyang debut sa Hollywood sa horror-comedy film na ‘Lisa Frankenstein’ mula sa Focus Features at Universal Pictures International.   Mula sa inventive, delightfully twisted minds ng Academy Award®-winning na screenwriter na si Diablo Cody and first-time feature director ni Zelda Williams, hatid nila ang fiendishly clever […]

  • Dalaga na nga ang kontrabida sa ‘Prima Donnas’: ELIJAH, nagpasilip na kanyang pre-debut photoshoot sa kinunan sa Tagaytay

    DALAGA na at hindi na bata si Elijah Alejo na mag-turn 18 na sa susunod na buwan.     Ang former child actress na nakilala bilang ang kontrabidang si Brianna sa ‘Prima Donnas’ ay papasukin na ang pagiging mature lady at nagpasilip ito ng kanyang pre-debut photoshoot na kinunan sa Chateau De Tagaytay.     […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 19) Story by Geraldine Monzon

    NAKAISIP na sana ng paraan si Cecilia upang hindi makaalis sina Bernard at Angela patungong ibang bansa, subalit pinlano pa lang niya ay hinadlangan na siya ng tadhana na magamit si Bela nang dumating si SPO2 Marcelo dala ang hindi magandang balita tungkol sa anak ng mag-asawa. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya ng dalaga. […]