• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gumawa ng bagong YouTube account na ‘Mamang & Malia’: POKWANG, wala ng kaugnayan sa mga joint social media account nila ni LEE

INAMIN ni Rhian Ramos ang nangyaring hiwalayan at balikan nila ng businessman-turned-politician na si Sam Verzosa.

 

Sa pagkakataong ito, napag-uusapan na kaya ng dalawa ang magpakasal?

 

Aminado ang ‘Royal Blood’ star na nagkulang sila sa komunikasyon ng nobyo na kinatawan ngayon ng isang party-list group sa Kamara de Representantes.

 

“What happened was, I guess, we could have communicated better. I think it’s very important in a relationship na kaya n’yong pag-usapan lahat and you’re not forcing the other person na hulaan kung anong nararamdaman mo.”

 

Inamin din ni Rhian na nakaapekto rin sa kanilang hiwalayan ang pagpasok ni Sam sa pulitika.

 

“It was difficult, and if I can just be honest, if I think about it, I wish I could have been more supportive.

 

“I would say, politics was one of the reasons sa breakup, but the number one thing is, we really could’ve communicated better,” sey ni Rhian.

 

Ngayong nagkabalikan na, tinanong si Rhian kung napag-uusapan nila ang kasal.

 

Ayon sa aktres, bagaman naiisip nila ang kasal, wala pa naman daw ito sa plano ng magkasintahan.

 

“We’re not planning, but we’re playing with the idea. It was never naman my dream or a requirement, but I would if God puts that in my life and if it’s for me. If I didn’t want him to be the one, then what am I doing dating him?”

 

Kamakailan lang, magkasama muli ang dalawa na dumalo sa MEGA Ball.

 

***

 

NAGLABAS ng pahayag si Pokwang para linawin na wala na siyang kaugnayan sa mga joint social media account nila ng dati niyang partner na si Lee O’Brian.

 

Sa Instagram, ipinost ng Kapuso comedienne ang naturang pahayag nitong Lunes.

 

“We tried to negotiate with [Mr.] Lee O’Brian to recover the management of said social media accounts that contain Pokwang’s image; however, he refused to come to an agreement with us,” ayon sa pahayag.

 

Dahil sa hindi nagkasundo, sinabi ni Pokwang na wala na siyang kinalaman sa naturang mga account na kasama niya si Lee: PokLee Cooking Official YouTube, PokLee Cooking Facebook at Instagram, at PokLee Food Products Instagram.

 

Ipinagbabawal din ni Pokwang na gamitin ang kanyang larawan sa mga socmed account nila ni Lee.

 

“I have terminated any association in these aforesaid accounts, including the use of my image for promotions and any other purpose(s),” saad pa sa pahayag.

 

Kasabay nito, sinabi ni Pokwang na gumawa siya ng bagong YouTube account na “Mamang & Malia,” na kasama ang anak niyang si Malia.

 

“Thank you all for your love and support. Salamat po [dagdag] pang tuition ni Malia. Thank you.”

 

Nitong nakaraang linggo, naghain ng petisyon si Pokwang sa Bureau of Immigration para ipa-deport si Lee na isang American citizen.

 

***

 

PAHINGA raw muna sa paggawa ng pelikula ang Spider-man star na si Tom Holland ng isang taon.

 

Napagod daw siya physically and mentally sa paggawa ng Apple+ series na ‘The Crowded Room’ na tungkol sa trauma at mental health.

 

Tama lang daw ang paghingi ng one-year off sa trabaho para makapag-recharge at hindi siya ma-burn out sa mga susunod na mga gagawin niyang projects.

 

“I really enjoyed it, but then again, the show did break me. There did come a time where I was sort of like, ‘I need to have a break.’ I went to Mexico for a week and had some time on a beach. And I’m now taking a year off, and that is a result of how difficult this show was.

 

“I’ve been seeing my family in London. I’ve been seeing my friends. I’ve been playing golf. I’ve been, you know, going to the garden center and buying plants and doing my best to keep them alive and all that sort of stuff.,” sey ng Marvel actor.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Isabela muling maghohost ng Patafa Open

    ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela.   “Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this […]

  • Ads July 14, 2021

  • Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio

    Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio.     Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa.     Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang […]