• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isabela muling maghohost ng Patafa Open

ISASAGAWA muli ang taunang Philippine Athletic Track and Field Association (Patafa) National Open sa mistulang bahay nito sa mga nakalipas na taon bago naganap ang malawakang COVID-19 pandemic sa tinaguriang “Corn Capital of the Philippines” na Ilagan, Isabela.

 

“Watch out for this historic sporting event happening again in our beloved City of Ilagan this 2023 !,” post ng MyCity PIO ng local government unit ng Isabela.

 

Una nang itinakda ng Patafa ang muling pagsasagawa ng kada taong torneo sa Marso 21 hanggang 26.

“Save the date 21-26 March 2023. LGUs, School Teams, and Gov’t Agency Teams may send their request for invitation to participate to patafa_nsa@yahoo.com by providing the name, designation, and complete address of the invitation addressee,” post ng Patafa.

 

Pangunahin ang Patafa National Open sa mga torneo na gagamitin ng asosassyon para masubok ang lahat ng mga miyembro ng pambansang koponan habang hangad din nito na makahanap ng mga bagong sibol at papaangat na mga atleta. (CARD)

Other News
  • 17 atleta na ang isasabak ng Pinas!

    Opisyal nang maglalaro sina 2021 US Women’s Open champion Yuka Saso at  Bianca Pagda­nga­nan sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.     Pumuwesto si Saso sa No. 9 habang No. 42 si Pagdanganan sa listahan ng International Golf Fe­deration (IGF) para sa 60 women golfers na papalo sa Tokyo Olympics sa Hul­yo 23 hanggang Agosto […]

  • Mga ama, dapat na magbigay ng child support alinsunod sa batas-DSWD

    INATASAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin T. Tulfo ang lahat ng field offices ng departmento na maging handa na tulungan ang mga ina na naghahanap ng  child support mula sa ama ng kanilang anak o mga anak.     Sinabi ni Tulfo, alinsunod sa  Article 195 ng  Family Code, binigyang […]

  • Bagong subvariant maaaring dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region – OCTA

    MAAARING nagdudulot ng kamakailang pagtaas ng mga bagong kaso sa National Capital Region (NCR) ang isang bagong subvariant ng COVID-19 ayon sa OCTA Research group.     Inihayag ni OCTA fellow Guido David na hindi sila sigurado kung bakit may muling pagkabuhay sa mga kaso sa Metro Manila.     Maaari itong maging bagong subvariant […]