• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gun ban ipapatupad sa inagurasyon nina Marcos, Duterte

MAGPAPATUPAD  ng gun ban ang Philippine National Police (PNP) para sa inagurasyon nina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Maynila at Vice President-elect Sara Duterte sa Davao City.

 

 

Ayon kay Police Major General Valeriano De Leon, PNP Director for Operations, simula ngayon, Hunyo 16-21 ipatutupad ang gun ban sa Davao Region para sa inagurasyon ni Duterte sa San Pedro Square sa Hunyo 19, habang ­Hunyo 27 hanggang Hulyo 2 naman ang gun ban sa Metro Manila para sa inaugural ceremony ni Marcos sa Hunyo 30 na idaraos sa National Museum.

 

 

“That [gun ban] is three days before [the event] and two days [after the event] because we have clearing areas…if ever there is an incident that warrants investigation,” ani De Leon.

 

 

Suspendido rin ang mga Permit to Carry Firearms outside Residence (PTCFOR) sa Davao City at Metro Manila alinsunod sa inaprubahan ni PNP Officer in Charge Police Lt. General Vicente Danao Jr. bilang bahagi ng security preparations ng inagurasyon.

 

 

Bukod sa pagkumpiska ng mga baril at pag-revoke sa PTCFOR ng mga lehitimong gun-owners na mahuhuling lumabag sa suspensiyon, sasampahan din ang mga ito ng kasong kriminal.

 

 

Samantala, patuloy ang paglalatag ng seguridad ng PNP para sa nalalapit na inagurasyon ng mga susunod na lider ng bansa.

 

 

Aminado si De Leon na kanilang minomonitor ngayon ang mga grupo na posibleng manggulo sa inagurasyon. Aniya, lahat ng magsasagawa ng pagkilos ay kanilang bineberipika.

 

 

Ito umano ang dahilan kung bakit magpapatupad sila ng gun ban sa Davao at Metro Manila para matiyak na hindi sila malulusutan.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni De Leon na pinag-aaralan nila ang paglalagay ng screen sa labas ng venue ng inagurasyon nina Marcos at Duterte nang sa gayon ay mapanood ito ng publiko.

 

 

Aabot sa 3,700 pulis ang nakakalat sa inagurasyon ni Duterte habang 6,000 pulis naman ang nakadeploy kay Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • Sotto todo na ang G League training

    MAHIGIT isang linggo na nagt-training camp si Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa Ignite Team para sa paglalaro sa nalalapit na pagbubukas sa taong ito ng 19th National Basketball Association (NBA) Gatorade League sa Estados Unidos.     Kasama ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom na nasa Walnut Creek, California na sina […]

  • Desidido sa pagka-VP

    Itinanggi ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga espekulasyon na magkakaroon ng “substitution” para bigyang daan ang kandidatura ng isang inbdibiduwal sa pagsasabing desidido siyang ituloy ang pagtakbo niyang bise-presidente ng bansa sa darating na 2022 elections.     “I can’t speak for the other candidates. Hindi po ako makapagsalita kung ano po ang magiging […]

  • Lady Eagles sisimulan ang title defense vs Lady Spikes

    SISIMULAN ng reigning champion Ateneo de Manila University ang pagdepensa sa titulo sa pagharap sa De La Salle University sa pagsisimula ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament nga­yong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.     Magtutuos ang Lady Eagles at Lady Spikers sa alas-4 ng hapon kung saan inaasahang dudumugin […]