• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gun ban violators sa BSKE, pumalo na sa higit 1,600

TINATAYANG  nasa 1,615 gun ban violator na ang nadakip ng Philippine  National Police (PNP) simula nang ito ay  ipatupad kasabay ng isasagawang  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.

 

 

Kampanya ito ng PNP upang masiguro na maa­yos at payapa ang barangay eleksyon ngayong taon.

 

 

Lumilitaw sa datos na inilabas ni PNP-Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, bukod sa lumalaking bilang ng naaresto, umabot na rin sa 1,210 armas ang nakumpiska ng mga awtoridad.

 

 

Nasa 2,194 na mga armas ang idineposito para sa safekeeping; at 1,483 naman ang kusang isinuko.

 

 

Samantala, nakapagtala rin ang PNP ng 97 crime incidents bago ang takdang halalan sa Oktubre 30.

 

 

Sa kabuuang bilang, 18 dito ang may kaugnayan sa BSKE na kinabibilangan naman ng 12 insidente ng pamamaril; dalawang kidnapping; isang grave threat; isang indiscriminate firing; isang gun ban violation; at isang armed encounter.

 

 

Patuloy pang isinasailalim sa balidasyon ang 13 suspected election-related incidents na kinabibilangan ng dalawang pamamaril; dalawang physical injuries; dalawng assault; dalawang paglabag sa gun ban; dalawang pambubugbog; isang harassment; isang pananaksak, at isang armed encounter.

Other News
  • Metro Manila balik sa mas mahabang curfew

    Balik simula ngayon araw (Hulyo 25) ang mas mahabang curfew hours sa Metro Manila matapos na ipairal uli dito ang general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Autho­rity  (MMDA) chairman Benhur­  Abalos Jr. na napagkasunduan nila kahapon (Sabado) sa pagpupulong  ng […]

  • 2 nadakma sa higit P1 milyon shabu at granada sa Navotas

    MULING naka-iskor ng tagumpay ang Northern Police District (NPD) sa kanilang laban sa ilegal na droga kasunod ng pagkakatimbog sa dalawang drug pushers at pagkakakumpiska ng mahigit ng P1 milyon halaga ng shabu at granada sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni NPD Director P/BGen. Ulysses Cruz ang […]

  • 12 candidates ni PBBM sa midterm election

    2025 Senatorial Slate ng administrasyon inanunsyo na   INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang 12 prospektibong senatorial candidates ng administrasyon para sa 2025 midterm elections.     Isiniwalat ang 2025 senatorial slate sa idinaos na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. […]