Gusto ring mabawi ang nakuhang pwesto ng ‘Rewind’: KATHRYN at ALDEN, nape-pressure na mahigitan ang kinita nang unang pagtatambal
- Published on October 10, 2024
- by @peoplesbalita
AGAD na nag-viral ang inilabas na official trailer ng “Hello, Love, Again” na produced ng Star Cinema at GMA Pictures na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards bilang sina Joy/Marie at Ethan.
Makikitang masayang nagkasama sila sa Canada.
Pero bigla ngang nabago ang pangalan ni Kath at naging Marie. May foreigner ding eeksena sa cast bilang manliligaw o dyowa ni Joy nang magkita sila ni Ethan sa airport. Marami ang nakaramdam ng kirot.
May eksena pang humihingi ng second chance si Ethan pero sinagot ito ni Joy ng, “I don’t give second chances.”
Malinaw na naghiwalay sila at mukhang si Ethan ang may kasalanan dahil panay ang hingi niya ng sorry, pero matigas na si Joy.
Sa ilang oras nang inilabas ng Star Cinema ang trailer ay trending na ito sa social media at marami ay gusto ng mapapanood at bilisan na ang pagsapit ng November 13 na first day ng “Hello, Love, Again.”
Hindi nga maitatago na sobrang pressure nga raw ang KathDen at maging si direk Cathy Garcia-Sampana, dahil kailangang malampasan ang kinita ng “Hello, Love, Goodbye”.
Gusto rin daw nilang mabawi ang number 1 slot na naagaw ng “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera-Dantes.
At sobrang sipag na mag-promote nina Kath at Alden nationwide at ang daming magpapa-block screening.
Base sa mga reaksyon ng netizens na nakapanood ng trailer sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Cinema ay mukhang gagawa uli ng kasaysayan ang tambalang KathDen.
Ito ang kaabang-abang sa pagsisimula ng showing ng pelikula na inaasahang aabot hanggang December at bago mag-MMFF.
***
‘Kwatro Kantos’ ng BNC, kaabang-abang na talakayan sa maiinit na isyung politika
ANG ‘Kwatro Kantos’ ay isang walang takot na talk show na tumututok sa iba’t ibang usapin mula sa komplikadong isyung pulitikal, iba pang paksa na kinabibilangan ng mga social issue.
Bawat episode nito ay nagpapakita ng malalimang diskusyon at eskpertong pag-analisa sa mga usapin na inaasahang magbibigay sa mga manonood ng mas malalim na pang-unawa sa bawat isyu sa loob ng bansa.
Ang live telecast na ito ay umeere tuwing Sabado sa Bilyonaryo News Channel, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng umaga at mapapanood naman ang replay tuwing weekday.
Tumatayong host dito ang apat na mga eksperto sa pangunguna ng beteranong brodkaster na si Michael Fajatin, na kilala sa kanyang malalim na pagrereport at masiglang estilo ng pagtalakay.
Kasama rin ang PR expert na si Alan German, si dating Cabinet Secretary for Political Affairs Ronald Llamas at si Professor Guido David.
Ang show ay magpapakita ng mga kagigiliwang ekspertong panayam, masasayang diskusyon at interactive na partisipasyon ng mga manonood. Bawat episode ay nakapokus sa mainit at napapanahong isyu kung saan ang mga host ay magbibigay ng kanilang malalim na perspektibo at pag-analisa sa mga isyu.
Ang mga manonood naman ay hinihikayat na aktibong magbigay ng kanilang saloobin, pananaw at mga kuwestyon na lalo pang magpapakulay ng talakayan sa anumang tampok na paksa.
Ang ‘Kwatro Kantos’ ay hindi lamang naglalayong magbigay ng impormasyon at kaalaman sa mga manonood tungkol sa lagay ng pulitika sa Pilipinas bagkus ay layunin din nitong hikayatin ang pakikiisa ng publiko at i-promote pa ang kritikal na pag-iisip sa pamamagitan ng mga diskusyong kapupulutan ng malalim na kaalaman. Sa pagtugon sa mga hamon at oportunidad na kinakaharap ng ating bansa, layunin ng show na palakasin ang mga manonood bilang aktibong kalahok sa demokrasya.
Ang Bilyonaryo News Channel ay available na sa libreng television channel na BEAM TV 31 (sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga) gayundin sa nangungunang cable TV provider, ang Cignal Channel 24.
(ROHN ROMULO)
-
Djokovic at asawa nito, nagnegatibo na sa coronavirus
Nagnegatibo na sa coronavirus si tennis star Novak Djokovic at asawa nitong si Jelena. Walang nakitang sintomas ang dalawa mula ng sila ay nag-quarantine ng 10-araw. Nakuha nito ang nasabing virus sa Adria tennis tour ang inorganisa ni Djokovic sa Belgrade at Zadar, Croatia. Naging pang-apat na tennis player si Djokovic na […]
-
Panawagan ni PDU30 sa publiko: Huwag iboto ang Makabayan party-list groups
NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag iboto ang Makabayan party-list groups na ayon sa kanya ay “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP). Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, kinilala ng Pangulo ang mga party-list groups bilang Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT Teachers at […]
-
Nasawi dahil sa bagyong Odette, umakyat na sa 208 – PNP
Umakyat na sa 208 ang mga napaulat na bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng typhoon Odette. Batay ito sa consolidated report ng Philippine National Police Operation Center (PNP-OC) na ibinahagi ni PNP Spokesperson Col. Roderick Alba. Pinakamaraming nasawi sa Central Visayas na may 129. Sinundan ng CARAGA […]