• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gymnast Dela Pisa, pararangalan ng SMC-PSA

INSPIRASYON at nakakaluha ang istorya sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games PH 2019 ang kikilalanin at may espesyal na parangal sa SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel sa darating na Biyernes.

 

Siya si women’s gymnastics gold medalist Daniela dela Pisa na makakasama nina tennis phenom at Globe Ambassador Alexandra Eala, susunod na Chess Grandmaster Daniel Quizon, at ace swimmer Miguel Barreto bilang mga MILO Junior Athletes of the Year sa Marso 6 sa gala night na inorganisa ng pinakamatagal na sports media organization sa bansa sa pangunguna ng pangulo nito na si Manila Bulletin sports editor Eriberto S. Talao, Jr.
Nagbanda ang 16-anyos na si Dela Pisa ng husay at talento upang malampasan ang ginawa ng kakampi at world champion na si Carlos Edriel Yulo upang iuwi ang medalyang ginto sa hoop final ng women’s rhythmic gymnastics competition sa SEA Games noong Disyembre.

 

Ang ginto ang tanging nasungkit ng mga Pilipinong gymnast maliban sa dalawang napanalunan naman ni Yulo sa men’s artistic all-around at floor exercise.

 

Isinagawa ng batang Cebuana gymnast ang tagumpay matapos ng ovarian cancer na natamo sa edad na apat na taon pa lang niya. Dahil sa chemotherapy, pagmamahal at walang sawang suporta ng kanyang pamilya, naipagpatuloy niya ang pagmamahal sa sport sa paggiya ng ina na si Darlene, dati ring gymnast, upang siya ang maging bemedalled athlete sa kasalukuyan.

 

Nagwagi pa si Dela Pisa ng pares ng tanso sa rhythmic ball at clubs.

 

Pero hindi nagpaiwan sina Eala, Quizon, at Barreto na nagpakita nang magagandang bagay at nagsimula sa maliliit na paghahanda tungo sa pagwawagi sa pamamagitan ng paghihirap at disiplina.

 

Pinagpatuloy ng 14-anyos na si Eala pag-angat sa world ranking sa pagtatapos ng 2019 na rated No. 9 matapos na magwagi sa kanyang junior Grand Slam debut sa Australian Open.

 

Mangunguna rin si Eala sa listahan ng Antonio Siddayao Awardees sa aktibidad na mga suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia, at Rain or Shine.

 

Nadale ang 14-anyos na si Quizon ang International Master title at nakaginto sa U16 standard ng Eastern Asia Youth Chess Championships sa Bangkok. Siya rin ang best-placed Pilipino sa blitz side event ng Asian Continental Chess Championship sa China sa pagtibag kina GMs Wan Yunquo at Liu Yan ng China at Venkataraman Karthik ng India.
(REC)

Other News
  • 2 wanted person sa Malabon, binitbit sa selda

    DALAWANG wanted person sa frustrated murder at theft ang nalambat sa isinagawang magkahiwalay na joint operation ng pulisya sa Malabon city.     Sa report PSMS Alddrich Reagan De Leon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni […]

  • Ads January 29, 2021

  • Martin and Pops, ‘nagkabalikan’ sa eXes & whYs

    Proud parents sina Martin Nievera at Pops Fernandez sa anak nilang si Robin Nievera na direktor na nila ngayon sa kanilang bagong show sa Cignal TV para sa Colours.   Swak na swak pa ang title na eXes & whYs with Pops and Martin na magsisimula na sa Sabado, December 19 ng alas-nuwebe ng gabi. […]