Habang may naghihirap, ayuda ng pamahalaan ‘di titigil – Tulfo
- Published on October 15, 2024
- by @peoplesbalita
ANONG kakainin o ipapakain sa pamilya nya kung hindi aayudahan ng gobyerno?”
Ito ang sinabi ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo sa isang radio interview hinggil sa usapin ng ayuda ng pamahalaan.
Natanong kasi si Cong. Tulfo na “hindi kaya tinuturuan ng pamahalaan ang mga mahihirap na maging tamad dahil lagi na lang binibigyan ng ayuda”?
“Hindi po lahat ng tao masuwerte. Meron kahit anong sipag at tiyaga ay malas pa rin dahil marahil hindi nakapagtapos o walang makuhang trabaho,” anang House Deputy Majority leader na si Tulfo.
Dagdag pa ni Cong. Tulfo, maraming ayuda ang pamahalaan gaya ng Tulong Panghanap Buhay para sa mga Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor para sa mga nawalan ng trabaho pansamantala.
At doon sa walang hanapbuhay ay maaring mag-apply ng Sustainable Livelihood Program o SLP ng DSWD. Medical assistance for indigent persons o MAIP naman ng DOH para sa mga nagkakasakit na mahihirap na kababayan.
Nariyan ang kilalang Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program o 4Ps para sa mga mahihirap na may mga anak na nag-aaral at ang Ayuda para sa Kapos ang Kita (AKAP) ng DSWD.
“Lahat kasi ng ito ay pangako ng Pangulo na walang maiiwan sa pagbangon ng bansa sa kahirapan , pahabol pa ng mambabatas. (Daris Jose)
-
COA kinuwestyon ang kakulangan ng ayuda ng DA sa mga magsasaka
TINUKOY ng Commission on Audit (COA) ang ilang kuwestyunableng pamamahagi sana ng Department of Agriculture (DA) ng mga fertilizers, livestock, feeds at ilang agricultural products bilang ayuda sa mga magsasaka sa panahon ng pananalasa ng COVID-19. Ang report ng COA ay bilang bahagi ng pagsasailaim nila sa annual audit noong nakarang taon sa […]
-
Riding-in-tandem arestado sa pagwawala at pagpalag sa pulis
ARESTADO ang isang rider at angkas niyang bebot matapos magwala at pumalag sa mga pulis makaraang hindi pansinin ang isinagawang Oplan Sita habang sakay sa isang motorsiklo sa Malabon city. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang mga naaresto na si Christopher Garcia, 40 ng Legarda St. Sampaloc Manila at Melani […]
-
Pagtarget sa 179 RSC, NKTI renovation pinuri ni Bong Go
PINURI ni Senador Christopher “Bong” Go ang hangarin ng gobyerno na mamuhunan sa pangangalagang pangkalusugan tulad ng binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kinabibilangan ng pagtatayo ng 179 Regional Specialty Centers at pagsasaayos ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) Annex building sa Quezon City sa 2028. Si Go ang pangunahing isponsor at […]