Malakanyang, bukas sa “Designated Survivor” bill ni Senador Lacson
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
BUKAS ang Malakanyang sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na magtalaga ng magiging successor sakali at ang apat na matataas na lider ng Philippine government ay mapahamak o mamatay dahil sa “exceptional circumstances” such as terrorist attacks.
Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang isinampang “Designated Survivor” bill ni Senador Panfilo Lacson ay “scenario that should be addressed.”
“We have a clear line of succession all the way down to the House Speaker but what happens in fact, if similar to what happened in the TV series [where] everyone perishes,” ayon kay Sec. Roque.
“Perhaps there is definitely wisdom in the bill filed by Senator Lacson but he would now have to find a counterpart measure in the House because the author in the House has withdrawn her authorship of the bill,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa ulat, layon ng Designated Survivor” bill ni Senador Lacson ay upang maiwasan umano ang constitutional crisis at pagkabakante ng liderato ng bansa sakaling magkaroon ng hindi-inaasahang pangyayari gaya ng terorismo.
Sinabi ni Lacson, nagsulong ng naturang panukala, ang agarang pagsasabatas nito ay magsisilbing lunas sa limitasyon sa sinasaad ng Saligang Batas tungkol sa pagpasa ng liderato ng bansa o line of succession bunga ng mga hindi-inaasahang pangyayari.
Umaasa si Lacson na magsasagawa na ang Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes and Law ng pagdinig kaugnay sa Senate Bill No. 982 na inihain nito noong Agosto ng nagdaang taon.
Nakahanda naman aniya siyang i-isponsor at idepensa ang naturang panukala sa Senate floor.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, sakop ng line of presidential succession ang Pangalawang Pangulo, Senate President at House Speaker.
Ngunit kung may nangyari sa tatlo na maaring magresulta para hindi nila lahat magampanan ang mga responsibilidad bilang lider ng bansa, wala nang natukoy sa Saligang Batas kung sino ang susunod.
Ayon kay Lacson, ang mga ito ay nangangahulugan na nasa Saligang Batas din ang pagkakaroon ng “Designated Survivor” na lider ng bansa.
Samantala, binawi ni Quezon City 2nd District Rep. Precious Hipolito-Castelo ang kanyang hinaing “Designated Successor” bill o House Bill No. 4062. Dito, mabibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na makapili ng ipapalit sa kanya, sakaling may hindi inaasahang pangyayari sa kanyang mga successor na Bise Presidente, Senate President at House Speaker. (Daris Jose)
-
PBBM, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng Pinoy na binitay sa KSA
NAGPAABOT nang pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pamilya ng Filipino na binitay sa Kingdom of Saudi Arabia. Sinabi ng Pangulo na ginawa ng pamahalaan ang lahat ng posibleng legal remedies para iapela ang desisyon ng Saudi Arabia. Tiniyak naman nito sa mga naulilang pamilya na tutulong ang gobyerno para maibalik […]
-
Kahit magkakasabay ang shows at movies: DINGDONG, nakuha pa ring mag-report sa duty bilang reservist
NGAYONG Biyernes na ang finale episode ng isa sa consistent top-rater sa primetime ng GMA-7, ang “Royal Blood.” Nakaaaliw lang ang iba na kinukuwestiyon pa ang pagiging top-rater ng serye, e, isa yata ito sa magandang primetime series na nagawa ng GMA-7, huh! So ‘yun nga, kung totoo raw talaga na […]
-
Director Reinaldo Marcus Green is bringing something legendary to the big-screen with “Bob Marley: One Love”
Director Reinaldo Marcus Green knew that helming a film about the legendary Bob Marley was going to be a monumental task, but if the musician’s life taught him anything, it’s not to be afraid. “Somebody’s got to raise their hand and say, ‘I’m willing to take a chance.’ I think that for anything that’s great […]