Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo
- Published on November 22, 2024
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne Manalo, ang nagniningning na bituin ng Pilipinas sa katatapos lang na Miss Universe 2024 sa idinaos na Gawad Gintong Kabataan Awards sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito noong Biyernes.
Bukod kay Manalo, kinilala din ang ibang natatanging kabataan kabilang na sina Mary Vianney J. Sato ng Plaridel (Secondary) at Mahmooda Aziza Bhatti mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte (College) para sa Gintong Kabataan sa Kagalingang Pang-Akademya at Agham; Timothy N. Dionela mula sa Guiguinto (Individual) at ang BulSU Hyper Dynamics Dance Troupe of Bulacan State University (Group) para sa Gintong Kabataan sa Larangan ng Sining at Kultura; Anthony L. Mancao ng Munisipalidad ng Pandi para sa Gintong Kabataang Entreprenyur; Paul John D.R. Hernandez mula sa Marilao (Individual) at ang Samahan ng Ibinuklod na Kabataang May Layong Angat Bayan (SIKLAB) ng Lungsod ng San Jose Del Monte (Group) para sa Gintong Kabataan sa Larangan ng Paglilingkod sa Pamayanan; Yusoph A. Maute mula sa Hagonoy (Professional Worker), Reinel L. Morelos mula sa Bulakan (Government Worker), at Sheila Delos Santos mula sa Bocaue (Skilled Worker) para sa Gintong Kabataang Manggagawa.
Gayundin, tinanggap naman ni Igg. Riann Maclyn L. Dela Cruz ng Lungsod ng Malolos ang Gintong Kabataang SK Federation President, habang ang Gintong Kabataang SK Barangay Council ay iginawad naman sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Frances ng Calumpit at Sangguniang Kabataan ng Barangay Look 1st ng Malolos.
Walong indibidwal din ang pinagkalooban ng Special Citation upang kilalanin ang kanilang tagumpay sa kani-kanilang larangan, kabilang dito sina David Vaughn C. Datuin (Guigguinto), Chrisandro A. Natividad (Malolos City), Alethea R. Ambrosio (San Rafael), Euwenn Mikael C. Aleta (Meycauayan City), Dominick R. Fajardo (Malolos City), Maxine Denielle T. Gonzaga (Meycauayan City), Sherina Alexandra B. Baltazar (Malolos City), at Trishia G. Espiritu (Hagonoy).
Samantala, binigyang pagkilala din ang yumaong si Dr. Eliseo S. Dela Cruz bilang Natatanging Gintong Kabataan (Posthumous Award) para sa ilang taon niyang paglilingkod at sa mahalagang ambag nito bilang pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office.
Nag-uwi ang mga pinarangalan sa kategoryang pang-indibidwal ng tig-10,000, tropeyo, at medalya habang tumanggap naman ang tig-P2,000 at plake ang mga pinagkalooban ng Special Citation at binigyan ng plake ang mga kinilala bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo.
Binati ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga nagwagi at binigyang diin ang kahalagahan ng papel ng mga kabataan bilang mga susunod na lider ng lalawigan kasabay ng pagpapaalala na hindi nila dapat abusuhin ang kanilang kapangyarihan.
“Isa lang po ang aking bibitawan sa ating mga kapwa Bulakenyo na bibigyan ng pagkilala. Ating gamitin ang ating talino, ating gamitin ang kapangyarihang ipagkakaloob sa atin ng ating Panginoon. Huwag nating abusuhin ang ibinigay sa atin na maglingkod kundi ibigay po natin ito nang may laya at demokrasya, at siyempre pagmamahal sa ating mga kapwa Bulakenyo,” aniya.
Meanwhile, Yusoph A. Maute, GKA 2024 awardee for Professional Worker, emphasized during his response on behalf of all the awardees that GKA symbolizes not only victories but a reminder that dreams, through determination, always pay off.
Samantala, sa kaniyang tugon naman bilang kinatawan ng mga Gintong Kabataang Bulakenyo ngayong taon, ipinunto ni Yusoph A. Maute, GKA awardee para sa Professional Worker, na ang karangalang kanilang natamo ay hindi lamang simbolismo ng kanilang tagumpay ngunit palatandaan din na ang mga pangarap ay natutupad sa pamamagitan ng pagsusumikap.
“Ang parangal na ito ay hindi lang sumisimbolo ng tagumpay ngunit isang paalala sa bawat kabataang Bulakenyo na ang ating mga pangarap at pagsusumikap ay may patutunguhan,” ani Maute.
Dumalo rin sa Araw ng Parangal sina Bise Gob. Alexis C. Castro, Punong Lungsod ng Malolos Abgd. Christian Natividad, Abgd. Nikki Manuel S. Coronel, tagapangulo ng lupon ng pagpili para sa GKA 2024, at ang ingat-yaman ng Bulacan SK Federation Igg. Louie Marvin Tomacruz, na kumatawan sa kanilang pangulo na si Igg. Casey Tyrone E. Howard.
-
Ariana Grande and Cynthia Erivo’s Journey in “Wicked”, Open Up About Their Bond, Voice Training, and Matching Tattoos
ARIANA Grande and Cynthia Erivo’s journey as Glinda and Elphaba in Wicked includes live singing, intense voice retraining, and even matching tattoos! Discover their incredible bond and the magic behind… The bond between Glinda and Elphaba comes to life in the much-anticipated film adaptation of “Wicked,” with Ariana Grande and Cynthia Erivo capturing the heart of their characters. Together, […]
-
Dalawang buwang sahod ni CabSec Nograles, ibibigay sa 2 ospital ng Quezon City
HINDI nagdalawang-isip si Cabinet Secretary Karlo Nograles na ibigay ang kanyang dalawang buwang sahod para mapalakas ang capacity ng dalawang government hospitals sa Quezon City sa gitna ng laban kontra sa coronavirus outbreak. Ani CabSec. Nograles, ibibigay niya ang kanyang one-month salary sa East Avenue Medical Center (EAMC) habang ang isang buwan naman ay […]
-
Ukrainian peace negotiators at Russian billionaire nakaranas ng mga sintomas ng pagkalason
PINAGHIHINALAANG dumanas ng mga sintomas ng pagkalason ang Ukrainian peace negotiators at bilyonaryong si Roman Abramovich pagkatapos ng isang pulong sa Kyiv. Si Abramovich, na tumanggap ng kahilingan ng Ukrainian na tumulong sa pakikipag-ayos sa pagwawakas sa pananalakay ng Russia sa Ukraine, at ang dalawang senior na miyembro ng koponan ng Ukrainian ay […]