Dalawang buwang sahod ni CabSec Nograles, ibibigay sa 2 ospital ng Quezon City
- Published on September 9, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI nagdalawang-isip si Cabinet Secretary Karlo Nograles na ibigay ang kanyang dalawang buwang sahod para mapalakas ang capacity ng dalawang government hospitals sa Quezon City sa gitna ng laban kontra sa coronavirus outbreak.
Ani CabSec. Nograles, ibibigay niya ang kanyang one-month salary sa East Avenue Medical Center (EAMC) habang ang isang buwan naman ay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).
Si CabSec Nograles ay isa sa mga naitalaga bilang big brother para tumulong sa Quezon City sa kanilang coronavirus response, ay nagdonate matapos ang kanyang ika-44 na kaarawan noong September 3.
Bukod dito, nanguna rin ito sa fund-raising drive online para sa mga health frontliners na naka-assign sa naturang dalawang government hospitals.
Napag-alaman na batay sa 33-level pay scale ng mga government workers, ang mga Cabinet members o department secretaries ay tumatanggap ng P262,965 na basic pay sa ilalim ng salary grade 31, pero dahil sa batas na nagtataas sa sahod ng mga opisyal ng gobyerno sa apat na mga tranches simula 2020 hanggang 2023, ang mga nasa ilalim ng salary grade 31 ay inaasahang makakakuha ng kanilang higher wage na P301,095 ngayong taon. (Daris Jose)
-
ATP: Ruben Gonzales nanalo ng third title ng season, nasungkit ang Yokohama doubles title
Naging mabunga ang unang pagsasama nina Ruben Gonzales at Victor Cornea. Nadaig ng third seeded pair ang hometown crowd at sina Masamichi Imamura at Tomoya Fujiwara para mapanalunan ang men’s doubles championship ng ATP Yokohama Keio Challenger. Nanaig ang Filipino at Romanian tandem sa straight sets laban sa kanilang mga kabataang Japanese rivals, […]
-
Dahil sa killer clown na si Pennywise sa ‘IT’: ANDREA, ini-reveal sa vlog na may takot sa mga payaso
EXCITED na ang ilang Sparkle artists para sa magaganap na GMA Thanksgiving Gala sa July 30. May kanya-kanya paghahanda ang ilang Kapuso hunks tulad nina Jak Roberto, Nikki Co, Kristoffer Martin at Dion Ignacio. Si Jak ay gusto munang magbawas ng timbang para raw mas maganda ang lapat ng […]
-
PNP, mino-monitor ang mga taong inuugnay sa Hamas ukol sa ‘terror plot’ -DILG
MAY ilang katao na ang mino-monitor ngayon ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y may kaugnayan sa napaulat na plano ng Middle East-based Hamas militant group na mag-operate sa Pilipinas. “Those people mentioned in the report are now under surveillance and monitoring,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) […]