• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Habang umiiwas na siya na pag-usapan: KIM, naiinis na sa patuloy na pagsasalita ni XIAN

TATLONG nominasyon ang nakuha ng premyadong aktres Gladys Reyes sa PMPC 40th Star Awards for Movies.
Nominado si Gladys bilang best aktres, best supporting actress at PMPC Darling of the press.
Matandaang tinanghal na Best Actress si Gladys  sa nakaraaang Metro Manila Summer Film Festival mula sa pelikulang “Apag” na kung saan sa naturang pelikula pa rin nominated si Gladys sa 2024 Star Awards for Movies.
Makakalaban ni Gladys ang mga kapwa premyadong aktres na sina Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Ai Ai Delas Alas, Marianne Rivera, Assunta De Rossi, Gina Alajar at Kathryn Bernardo.
Sa Best Supporting actress naman ay nominated pa rin si Gladys dahil sa ipinamalas niyang akting sa pelikulang “Here Comes the Groom”. Makakatunggali naman niya ang dalawang nominado pa rin sa best actress na sina Gina Alajar at Alessandra de Rossi kasama sina Cherrie Pie Piccache, Gloria Diaz, Dolly De Leon at ang gagawaran ng Ulirabg Artista sa taong ito na si Liza Lorena.
Hindi pa rin papakabog si Gladys sa mga co-nominees niya para naman sa PMPC darling of the press.
Makakalaban naman ni Gladys sa nasabing kategoriya sina Sen. Bong Revilla, Piolo Pascual, Gretchen Barretto, Alden Richards, Liza Diño-Seguerra, Rei Tan at si Sen. Robin Padilla.
Nang hingan namin ng reaksiyon sa pamamagitan ng messenger ang asawa ni Christopher Roxas ay napapa wow na lang ang aktres.
Siyemre hindi raw naman siya umaasa na masungkit niya kahit isa man lang sa tatlong nominasyon.
 Katwiran ni Gladys magagaling ang mga makakalaban niya, huh!
 Anyway kagagaling lang ni Gladys sa series of engagement abroad at ang tatlong nominasyon from Star Awards ang sumalubong sa kanya.
Incidentally, tatlong nominasyon din ang nakuha ni Piolo sa 40th Star Awards for Movies.
Nominated si Piolo sa best actor (Mallari), best supporting aktor (Gomburza) at PMPC Darling of the Press.
***
IMBIYERNA na ang Kapamilya aktres na si Kim Chiu sa patuloy na pagsasalita ng dating kasintahang si Xian Lim tungkol sa kapwa nila tinuldukan na dating relasyon.
Kung si Kim ay tahimik at nananatiling tikom ang bibig hinggil sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Xian, kabaligtaran naman yun sa aktor at ngayon nga nagdidirek nang ex-boyfriend.
Wala nga namang tigil si Xian sa pagpapa-interview about their past relationship na in every interview sa kanya ay may naging komento siya hinggil dito.
Sa totoo lang naman,
talagang nakikiusap si Kim sa mga nag-iinterbyu sa kanya na huwag nang pag-usapan ang breakup nila ni Xian bilang respeto na lang sa 12 years nilang relationship di ba?
Kaya inaasahan ng aktres na ganun din sana ang magiging komento ng aktor sa mga tanong sa kanya hinggil doon.
“Entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past,” banggit pa ni Kim sa panayam ng ABS-CBN.
Nangako rin daw siya sa kanyang sarili na hindi na niya babalikan ang past nila ni Xian kung matatanong siya ng press hinggil dito.
“Parang ‘yung post ko nu’ng December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin.
“Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire,” banggit pa rin ni Kim.
 “It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama ‘yung loob ko,” dagdag pa rin ng magaling na aktres at TV host.
Siyempre dahil sa paulit-ulit na paghahalungkat at hindi rin napigilan ng loyal kapamilyang ajtres ang maging emosyonal.
“Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other.” Lahad pa rin ng nag iisang Kim Chiu.
Before Christmas 2023
kinumpirma nina Kim at Xian na tinatapos na nila ang 12 years nilang love story.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Ads September 4, 2020

  • Sangkot droga, timbog

    ARESTADO ang limang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang tatlong naaktuhang sumisinghot ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon.   Ayon kay Caloocan police chief Col. Dario Menor, alas-5:20 ng hapon nang respondehan nina PCpl Regner Tolentino, PCpl Nico Stephen Acebron, PCpl Leonard Acain at PCpl Bienvenido Ducusin Jr, pawang nakatalaga sa […]

  • Robert Pattinson Teases a Brand New Version of the Caped Crusader in Matt Reeves’ ‘The Batman’

    WARNER Bros. is set to introduce a brand new version of the iconic DC hero in the upcoming film The Batman directed by Matt Reeves.     So, the DC fans shouldn’t expect Robert Pattinson’s version of the Caped Crusader to be a straight-up hero.     Pattinson’s Bruce Wayne/Batman will be joined by Zoë Kravitz‘s Selina Kyle/Catwoman, […]