• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 100% na ang kondisyon ni Pacquiao 19 days bago ang laban

Halos 100% na umano ang kondisyon ni Pinoy ring icon Manny Pacquiao bilang paghahanda sa laban nito kay Errol Spence Jr.

 

 

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Lee Marinduque, founding chairman ng Manny Pacquiao for President Movement na nasa California USA ngayon, nasa maayos ang takbo ng pagsasanay ni Pacman 19 na araw bago ang laban sa American boxer.

 

Aniya, hindi pare-pareho ang rounds ng sparring sessions ni Manny na minsan ay umabot ng 10 rounds.

 

 

Ayon kay Marinduque, halos nasa peak na ang kondisyon ng senador ngunit iniiwasan nina Hall of Famer Coach Freddie Roach at Coach Buboy Fernandez na ma-burn out sa training.

 

 

Dagdag rin nito, sa ngayon nagpatupad ng paghihigpit sa pagpapasok sa Wild Card Gym para makaiwas sa Coronavirus Disease maging ang pagkuha ng mga videos at litrato sa training ni Manny ay ipinagbabawal rin.

 

 

Itinakda ang faceoff ng fighting senator kay Spence sa darating na Agosto 21 o Agosto 22 na sa Pilipinas.

 

 

Samantala, sinabi ni Marinduque na batay sa kasalukuyang betting odds sa Amerika liyamado umano sa ngayon si Errol Spence kontra kay Pacquaio.

Other News
  • Mas magaling daw na aktor kesa kay Aljur: VIN, flattered pero may kurot na nararamdam

    PANGALAWANG beses na pagsasama sa isang pelikula nina Vin Abrenica at Aljur Abrenica ang ‘The Revelation’. Unang nagkatrabaho ang magkapatid sa ‘Ang Hapis At Himagsik ni Hermano Puli’ noong 2016. Ano ang advantage at disadvantage na makasama sa isang pelikula ang kanyang kapatid? “At first, honestly, ang iniisip ko yung mga disadvantage talaga noong una […]

  • Dalagita, 3 pa, tiklo sa P.3M halaga ng shabu

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa apat katao kabilang ang isang 17-anyos na dalagita matapos masakote sa drug buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Vincent Young, 25, istambay, Pamela Atienza, 21, saleslady, kapwa ng Brgy. 14, Paul […]

  • 3 MURDER CASE AT IBA PA, INIHAIN LABAN SA MGA PULIS ALBAY

    TATLONG bilang ng kasong murder at iba pa, ang pormal nang inihain sa Department of Justice ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga pulis na  sangkot sa pagpatay sa 28-anyos na rent-a-car driver at dalawang iba pa sa Barangay Busac, Oas Albay.     Kasama ng NBI-Death Investigation Division , inihain ni Gng. […]