• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 10K pasaway sa GCQ nasakote sa Navotas

UMAABOT na sa 9,714 ang mga dinampot na mga lumabag sa mga patakaran ng General Community Quarantine (GCQ) ayon sa Navotas City Police.

 

Bumida sa mga pasaway ang 5,269 dinampot dahil sa hindi pagsusuot o hindi wastong pagsusuot ng face mask at 3,503 lumabag sa curfew hours.

 

512 naman ang mga hindi sumunod sa social distancing, 512; traffic violators, 322; nakahubad sa kalye, 51; tumatagay sa labas ng bahay, 36; at 21 nagyoyosi sa pampublikong lugar.

 

Kaugnay nito, sinimulan ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang pagpapatupad ng Oplan “Sermon,” na naglalayong turuan ang mga mga magulang o nangangalaga sa mga bata na hinahayaan ang mga paslit na gumala sa kalye sa kabila ng panganib ng COVID-19.

 

Ito ay matapos makatanggap ang pulisya ng mga ulat na may mga bata sa matataong lugar na patuloy sa paglalagunda sa mga kalye at maging sa mga eskinita kung saan lalo silang nagkakadikit-dikit na para bang walang pandemya.

 

Bumuo si Col. Balasabas ng pangkat ng mga pulis na armado ng video camera na magpapatupad ng operasyon at magre-record ng sitwasyon na gagamitin sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga magulang at tagapangalaga na patuloy na sumusuway sa mga alituntunin ng pamhalaan.

 

Ang mga itinalagang pulis na magle-lecture ay sinanay at may taglay na wasto’t sapat na kaalaman sa mga akmang ordinansa sa ilalim ng GCQ, maging sa mga tamang hakbang kung paanong dapat gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak. (Richard Mesa)

Other News
  • VP Sara, sasabak sa susunod na eleksyon

    NGAYON pa lamang ay idineklara na ni Vice President Sara Duterte na sasabak siya sa susunod na eleksyon.     Hindi naman binanggit ni VP Sara kung anong posisyon ang plano niyang takbuhin lalo pa’t ang kanyang termino bilang Bise-Presidente ay magtatapos pa sa 2028.     Ang susunod na halalan sa bansa ay sa […]

  • Magaling, generous at down-to-earth: JENNYLYN, hinangaan nang husto ni SAMANTHA

    VIRAL sina Jak Roberto at Celeste Cortesi!     As in trending at kinaaaliwan ng napakarami ang Tiktok video ng Miss Universe Philippines 2022 at ‘The Missing Husband’ actor.     Imagine, mahigit 3.9 million na ang views ng video nina Celeste at Jak?!     Naka-post ang naturang dance video ng dalawa sa Tiktok […]

  • Pagtatayo ng Bulacan Ecozone, pinigil ni Marcos

    HINDI na matutuloy ang planong pagtatayo ng special economic zone at freeport sa Bulacan matapos i-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas tungkol dito.     Ipinaliwanag ni Marcos sa sulat na ipinadala sa tanggapan ng Se­nate President na hindi niya susuportahan ang enrolled bill dahil magdadala ito ng malaking panganib sa […]