Halos 11,300 katao naapektuhan ng hagupit ng Typhoon Betty — NDRRMC
- Published on May 31, 2023
- by @peoplesbalita
LIBU-LIBO na ang naapektuhan ng Typhoon Betty sa iba’t ibang bahagi ng Luzon at Visayas, ito habang patuloy na nasa ilalim ng Signal no. 2 ang Batanes at ilang bahagi ng Cagayan.
“A total of 2,859 families or 11,264 persons were affected,” wika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ngayong Martes.
“Of which, 877 families or 3,483 persons were served inside 21 [evacuation centers] and 112 families or 381 persons were served outside ECs.”
Nanggaling sa mga sumusunod na lugar ang mga naturang residente:
Cagayan Valley: 793
Central Luzon: 5,361
Western Visayas: 5,069
Cordillera Administrative Region: 41
Huling naobserbahan ang mata ng bagyong Betty sa layong 350 kilometro silangan ng Basco, Batanes kaninang 4 a.m. ayon sa PAGASA.
Wala pang datos sa ngayon pagdating sa halaga ng napinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura at imprastruktura.
Sa kabila nito, nasa 254 bayan at lungsod na ang nag-anunsyo ng pagsususpindi ng mga klase. Nasa 80 bayan at lungsod naman na ang nagdeklara ng work suspension.
“A total of 5,4888 persons from Region 2, Region 3, MIMAROPA, Region 6, Region 7 were pre-emptively evacuated,” dagdag pa ng NDRRMC.
Sa kabutihang palad, wala pang naitatalang sugatan, nawawala o namatay dulot ng bagyo sa kabila ng mga pagbahang naitala sa Region 6. Isang bahay naman sa Gitnang Luzon ang sinasabing bahagyang napinsala ng sama ng panahon.
Nakapamahagi naman na ng ayudang nagkakalagang P1.89 milyon sa ngayon nasalanta sa ngayon sa porma ng tubig, family food packs, pera, hygiene kits, pagkain, atbp. dagdag ng konseho.
Tinataya ng PAGASA na sa Biyernes pa makalalabas ng Philippine area of responsibility ang Typhoon Betty, habang nakikitang hihina ito patungong tropical storm category pinakamaaga sa Huwebes. (Daris Jose)
-
Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19
NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine. Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta. Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine. […]
-
Ads November 25, 2020
-
Wagi ng Audience Choice Award sa Soho International Film Festival: KC, happy and proud sa kanyang first international film na ‘Asian Persuasion’
HAPPY and proud si KC Concepcion dahil ang kanyang first international film na “Asian Persuasion” ay nagwagi ng Audience Choice Award sa Soho International Film Festival. “Out of over 100 film entries at the Soho Film Fest, ‘Asian Persuasion’ won the AUDIENCE CHOICE AWARD for full-length feature! Ang saya,” ayon sa Instagram post ni […]