• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 200 pamilya sa Caloocan, nakatanggap ng CELA

HALOS 200 pamilya ang nakatanggap ng Certificate of Entitlement for Lot Allocation (CELA) sa pamamagitan ng pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at ng Housing and Relocation Office (HARO), sa ginanap na seremonya na pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.

 

Ang mga benepisyaryo ay matagal nang mga residente ng Sitio Gitna, Barangay 166 at Block 105, Camarin, Barangay 174 na ngayon ay sigurado na ang pagkakaroon ng kanilang lote na may nga titulo sa pangalan nila sa pamamagitan ng issuance ng CELA.

 

Binati naman ni Mayor Along ang mga pamilyang nakatanggap ng kanilang mga sertipiko at pinaalalahanan din sila na pangalagaan ang mga ari-arian na subject ng CELA para magamit ng kanilang mga anak at apo.

 

“Malugod ko pong binabati ang lahat ng mga kababayan nating nakatanggap na ng kani-kanilang CELA para sa loteng kinatatayuan ng kanilang mga tahanan. Alam ko po kung gaano kayo kasabik na maging opisyal ang pagmamay-ari ng mga lupang ito at ipinagmamalaki ko po na sa pamamagitan ng HARO, nakatulong tayo na bigyan ng katuparan ang inyong mga pangarap,” ani Mayor Along.

 

 

“Alagaan po ninyo ang mga lupang ito dahil layon nating bigyan ng pagkakataon ang mga Batang Kankaloo na maipapamana ang mga ito sa kanilang mga anak at apo sa mga susunod na panahon,” dagdag niya.

 

Binanggit din ng alkalde na sinimulan na ng pamahalaang lungsod ang mga socialized housing program nito at tiniyak sa kanyang mga nasasakupan na mas maraming benepisyaryo ang magkakaroon ng kani-kanilang mga tahanan bago matapos ang taon. (Richard Mesa)

Other News
  • Tumataginting na pitong milyong piso: CHAVIT, tuloy ang pagbibigay ng regalo sa kanyang kaarawan

    IBANG klase si CPhavit Singson dahil imbes na siya ang manghingi ng regalo para sa kaarawan niya sa June 21 ay siya ang mamimigay ng regalo.       At take note, tumataginting na pitong milyong piso ang ipamimigay niya sa araw mismo ng kanyang birtdhay.       Aniya, “Last year nagpa-raffle ako ng […]

  • DTI naglabas ng revised SRP sa mga school supplies

    INILABAS  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang bagong listahan ng price guide para sa mga school supplies.     Sinabi ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ni-revise niya ang “Suggested Retail Price” o SRP list para sa school supplies dahil hindi detalyado ang lumang listahan.     Ang listahan ay may mga tatak […]

  • Hangang-hanga kaya nagpa-picture sa photo nito sa Norway: BELA, tila may pa-tribute sa Nobel Peace Prize awardee na si MARIA RESSA

    TILA binigyan ng tribute ng aktres na si Bela Padilla ang controversial pero Nobel Peace Prize awardee na si Maria Ressa.       Nasa Norway si Bela ngayon kunsaan, mag-iisang taon na siyang naninirahan sa Europe. Pero nitong Philippine Independence Day, isa si Bela sa nag-perform para sa mga Pinoy sa Norway.     […]