• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 29-K job seekers, sinamantala ang ‘Independence Day’ job fair

MAHIGIT 28,000 na mga naghahanap ng trabaho ang nagtungo sa iba’t ibang lugar kung saan isinagawa ang nationwide “Trabaho, Negosyo, Kabuhayan” job at business fairs bilang bahagi ng Independence Day celebration.

 

 

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sinamantala ng 28,600 job seekers ang 151,000 local at overseas employment opportunities.

 

 

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III sa isang news release at base na rin sa report ng Bureau of Local Employment na sa kabuuang bilang, nasa 2,405 applicants ang agad na-hire habang 9,537 ay ikinokosiderang near-hires.

 

 

Nagpasalamat naman ang labor chief sa pagpupursige ng ating pamahalaan na magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan para sa employment recovery.

 

 

Aabot sa 1,163 employers ang nakibahagi sa event at dala ng mga ito ang 151,325 local at overseas jobs.

 

 

Samantala, nasa 315 na aplikante naman para sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa training, 190 rito ang ini-refer sa Bureau of Workers with Special Concerns for livelihood training/assistance at 267 ang ini-refer sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa business inquiries at concerns.

 

 

Maliban naman sa pag-alalay sa employment sa formal sector, iginawad din ng DOLE ang emergency employment at livelihood assistance sa mga vulnerable at marginalized workers.

 

 

Pinangunahan ni Bello ang pamamahagi ng ayuda para sa 1,286 Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program beneficiaries sa Bulacan.

 

 

Bawat isa ay nakatanggap ng P4,200 para sa kanilang 10-day engagement.

 

 

Sa pamamagitan naman ng DOLE Integrated Livelihood Program, nagbigay din si Bello ng bicycle units sa 500 Freebis (Free Bisikleta) beneficiaries at Nego-Karts (Negosyo sa Kariton) sa 563 informal sector workers.

Other News
  • Resulta ng halalan, irespeto — PNP

    KUNG  talagang mahal ninyo ang Pilipinas, igalang ang  resulta ng halalan.”     Ito ang apela sa publiko ni Police Maj. Gen. Valeriano De Leon, Deputy Task Force Commander STF NLE 2022 sa patuloy na protesta sa resulta ng nagdaang  eleksiyon.     “Patunayan ninyo na mahal talaga ninyo ang ating bansa at ito ay […]

  • Single ticketing system sa NCR, target ma-fully implement sa katapusan ng Abril

    TARGET ng Metro Manila Council (MMC) na tuluyan nang maipatupad ang single ticketing system sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng Abril.     Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng MMC, ang dry run para sa naturang bagong sistema ay sisimulan nila sa una at ikalawang linggo […]

  • POC board may sey sa eleksyon

    BAHALA na ang Executive Board ng Philippine Olympic Committee (POC) sa kahihinatnan sa planong eleksiyon na nahaharap sa panibagong problema sa parating na Nobyembre 27.   Ito ay makaraan na isang miyembro ang nagpahayag na iatras ang halalan dahil sa kasalukuyang Covid-19 base general assembly ng pribadong organisasyon sa sports sa nakaraang Miyerkoles.   “It […]