• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 300 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Valenzuela

HALOS 300 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Valenzuela City, Linggo ng madaling araw.

 

 

Sa nakalap na ulat sa Valenzuela City Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:20 ng madaling araw nang biglang sumiklab ang sunog sa residential area sa Sagip St., Brgy., Arkong Bato.

 

 

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan kaya’t agad inakyat ang sunog sa ikalawang alarma kung saan i-deneklara ng BFP na fire under control dakong alas-7:04 ng umaga.

 

 

Dakong alas-2:04 naman ng hapon nang ideklarang fire out ang sunog habang wala naman napaulat na nasaktan o nasawi sa inidente at inaalam pa kung magkano ang naging pinsala at anu ang pinagmulan ng naturang insidente.

 

 

Kaagad namang nagpadala si Mayor Rex Gatchalian ng rescue tea, social workers, at medical teams sa lugar para tulungan ang apektadong mga residente.

 

 

Nagtayo rin ang Pamahalaang Lungsod ng mga modular tents, mobile showers, at mobile kitchens, pati na rin ang pansamantalang tirahan ng mga alagang hayop sa mga evacuation sites sa Arkong Bato National High School at PR San Diego Elementary School kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga biktima ng sunog.

 

 

Namahagi rin si Mayor Rex ng family comfort packs, hygiene kits, food packs at magbibigay din ng financial assistance ang pamahalaang lungsod sa mga susunod na araw.

 

 

Inilatag naman ni Mayor Rex, Vice Mayor Lorie at mga konsehal ang long-term solution na gagawin ng pamahalaang lungsod kung saan isasaayos ang subdivision plan ng Sagip St. at sisiguruhing may maayos itong daanan para sa mga tao at sasakyan. (Richard Mesa)

Other News
  • Tanggap at ‘di nagtanim ng sama ng loob: KEN, ni-reveal na pang-limang pamilya ng kanyang ama

    NI-REVEAL ni Ken Chan na pang-lima pala silang pamilya ng kanyang ama.       Sa kabila ng hindi sila ang orihinal na pamilya, hindi raw nagtanim ng sama ng loob ang Kapuso actor sa kanyang ama.       “Sobrang pinabago ako ng sitwasyon na ‘yon. I think I became a better person after […]

  • Ads September 2, 2020

  • Lakers nasilat ng Spurs, LeBron ‘di nakalaro namamaga ang paa

    NABIGONG makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs.     Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw.     Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na […]