• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 300K tropa ng AFP, PNP magbabantay sa BSKE

PINANGUNAHAN kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang “ceremonial send-off” sa halos 300,000 uniformed personnel na itatalagang magbantay sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

 

 

Halos 180,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at halos 100,000 tauhan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inaasahang magbibigay ng seguridad sa buong bansa sa Oktubre 30.

 

 

Bukod sa kanila, may mga tauhan ding ipadadala ang Philippine Coast Guard (PCG) na mamamahala naman sa seguridad sa mga karagatan at pagbibiyahe ng mga elections materials sa mga island barangays.

 

 

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ang deployment ay hindi ibabase sa color category ng isang lugar.  Hinati ang mga barangays sa kategorya na “green, yellow, orange at red” depende sa antas ng problema sa private armed groups o tero­rista, at kabilang din ang tindi ng political rivalry.

 

 

Noong Oktubre 4, nasa 242 lugar na sa bansa ang nailagay sa red category at umakyat pa sa 361 nitong Oktubre 20.

 

 

Nadagdag naman ang Libon sa Albay na nasa ilalim ng Comelec control, bukod sa Negros Oriental. Ito ay dahil sa pagpaslang sa isang kandidato sa pagka-barangay chairman at isang kagawad.

Other News
  • Rep. Tiangco sa mga LGUs, suportahan ang EPAHP kontra gutom

    HINIMOK ni Rep. Toby Tiangco ang mga local government units (LGUs) na patuloy na suportahan ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na wakasan ang gutom.   “We want to encourage all LGUs to support the implementation of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) and bolster the government’s efforts to fight hunger,” ani Tiangco.   […]

  • DIREK ERIK, excited nang simulan ang kanyang first period film na ‘Bonifacio’

    MAY hindi pa ba tayong hindi alam sa kwento ni Andres Bonifacio na hindi natin nabasa sa mga history books o napanood natin sa pelikula?   Isang malaking pelikula na legacy project tungkol kay Bonifacio ang ipoprodyus ng Regal Entertainment ngayong 2021, na pamamahalaan ni Dondon Monteverde.   Ayon kay Mr. Monteverde, sisimulan ang shooting […]

  • Umapela sa TikTok sa hanapin ang netizen: HEART, napikon sa komento na ‘wala kasing anak’ kaya maganda

    HINDI naitago ng fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang pagkapikon sa isang netizen na nag-comment sa kanyang TikTok account.     Nag-comment ang TikTok user ng, “wala kasing anak” sa recent video ni Heart, at hindi nga ito pinalampas ng Kapuso star at sinagot ang naturang komento.     “Wait lang ha, […]