• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 4M kabataan, nakinabang sa nagpapatuloy na feeding program ng pamahalaan – DSWD

UMABOT na sa halos apat na milyong mga kabataang ang nakinabang sa nagpapatuloy na supplementary feeding program ng pamahalaan.

 

 

Ito ay simula ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing programa mula 2021 hanggang nitong Hunyo-30 ng taong kasalukuyan.

 

 

Ayon sa DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pagpapatuloy ng nasabing programa ay isa sa mga pangunahing kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Bahagi nito ay ang pagbibigay ng mga masusustansiyang pagkain sa mga kabataan na naka-enroll sa mga Day Care Centers at mga Supervised Neighborhood Play.

 

 

Ayon pa sa Kalihim, makakatulong ang supplemental feeding para mapababa ang bilang ng mga batang kabilang sa malnurished groups, at matiyak ang kalusugan ng mga ito.

 

 

Kasama ng DSWD ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng nasabing programa. (Daris Jose)

Other News
  • 400 accounts sa social media, tinanggal

    INALIS ng social media giant na Meta Platforms Inc. ang mahigit 400 accounts, pages at groups sa layong matigil ang mga hate speech, misinformation at bullying sa gitna na rin ng nalalapit na halalan.     Nabatid na dumami ang mga online hate speech matapos iba­ling ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa social […]

  • RR Pogoy injury habang Mikey Williams sumabog

    Mga laro Sabado: (Araneta Coliseum) 4:30pm — Terrafirma vs Phoenix 6:45pm — Converge vs NLEX   NAGLIYAB ang mga kamay ni MIkey Williams upang punan ang pagkawala ng kakamping si RR Pogoy upang bitbitin ang TNT Tropang Giga palapit sa quarterfinals sa paghugot sa 111-104 panalo kontra Meralco Bolts sa eliminasyon ng season ending na […]

  • Pangulong Marcos, ipinaabot sa publiko ang kanyang pagbati para sa pagdiriwang ng Chinese New Year 2023

    IPINAABOT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pagbati habang ipinagdiriwang ng buong mundo ang Chinese New Year 2023.     Sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng mga pagdiriwang, nakikilala ang mga ugnayang nagbubuklod sa atin bilang isang pamilya, isang komunidad, at bilang isang bansa.     Aniya, habang ipinagdiriwang ang bagong taon […]