• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 5,000 indibidwal, nakatanggap ng P35.35 million na tulong medikal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office

NAGLABAS ng P35.35 milyon na tulong medikal ang Philippine Charity Sweepstakes Office sa kabuuang 4,704 na kwalipikadong benepisyaryo sa buong bansa mula Enero 9 hanggang Enero 13.

 

 

Sa pagbanggit sa datos na inilabas, sinabi ng ahensya na ang mga pondo ay inilabas sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Medical Access Program.

 

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 625 indigents mula sa National Capital Region na nakatanggap ng P7.8 milyong halaga ng tulong; 898 mula sa Northern at Central Luzon na binigyan ng P7.5 milyon; at 1,247 mula sa Southern Tagalog at Bicol Region na nakatanggap ng P7.4 milyon.

 

 

Sa Visayas, 874 na indibidwal ang nabigyan ng P6.1 milyon na tulong medikal habang 1,060 indibidwal ang nakatanggap ng P6.3 milyon sa Mindanao.

 

 

Ang Medical Access Program, na dating kilala bilang Individual Medical Assistance Program, ay dinisenyo upang dagdagan ang tulong medikal para sa mga mahihirap na Pilipino, partikular para sa pagkakulong sa ospital, chemotherapy, dialysis, at mga kinakailangang gamot. (Daris Jose)

Other News
  • Madalas silang nag-aabot sa mga race: BUBOY, itinuring na mahigpit na kalaban ni KOKOY sa ‘Running Man PH’

    BUKOD nga sa napakalamig na klima sa South Korea at unang beses na makaranas ng snow, nagkuwento si Kokoy de Santos ng karanasang hindi niya malilimutan habang nagsu-shoot sila para sa Season 2 ng Running Man Philippines.       Dito namin napag-alaman na matatakutin pala si Kokoy.     Sa trailer ng Running Man […]

  • Pagpaptupad ng solarization program, paiigtingin ng QC LGU

    UPANG maibsan ang paggamit ng mga Non-Renewable Energy sa lahat ng city-owned buildings, hospitals at paaralan sa Quezon City ay palalawigin ng QC Local Government ang kanilang Solarization Program o ang paglalagay ng solar panels energy system sa lungsod.       Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng […]

  • OLYMPIC SPORTS, TARGET SA BAGETS

    KUNG si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch”Ramirez ang tatanungin, nais niya na makitang nakatuon ang pansin ng mga kabataang atleta sa mga sports na nilalaro sa Olimpiyada.   Nais ng PSC chief na ilagay sa 20 Olympics sports ang mga laro ng Philippine National Games (PNG) at ng Batang Pinoy, kung saan aniya, […]