• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OLYMPIC SPORTS, TARGET SA BAGETS

KUNG si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch”Ramirez ang tatanungin, nais niya na makitang nakatuon ang pansin ng mga kabataang atleta sa mga sports na nilalaro sa Olimpiyada.

 

Nais ng PSC chief na ilagay sa 20 Olympics sports ang mga laro ng Philippine National Games (PNG) at ng Batang Pinoy, kung saan aniya, na sakaling ang isang sport ay hindi makapasok sa PNG, nais niya na mag-organisa ng isang national tournament ang mga lider ng national sports association (NSA) nito.

 

“Once (sports) don’t make it to the PNG, my advice to the leaders of the other sports is to organize a national tournament of their own,’’ ani Ramirez.

 

Sinabi ni Ramirez na may mga mga nsas na humihingi ng suportang pinansyal sa PSC, ngunit upang maaprubahan ang anumang hiling na pinansyal ng mga ito ay kailangan nilang maglagay ng direktiba at alituntunin bilang requirement para sa nasabing suporta.

 

“There are now 64 sports that seek financial assistance from the PSC. We have to set the direction and put up strong policies for us to manage these requests efficiently,” ayon pa kay Ramirez.

 

Nilinaw ni Ramirez na uunahain ng ahensiya ang pagtupad sa tulong pinansyal ng mga atleta na sasabak sa Olimpiyada at sa mga kasalukuyang sumasabak sa mga qualifying tournaments para sa naturang quadrennial meet.
Kasunod ang mga atleta na may nagpe-perform at hindi man sa Olympic sports, kasama ang mga atleta na sumasabak sa Asian at Southeast Asian games.

 

Sa kasalukuyan ay wala pang linaw kung itutuloy ang PNG at Batang Pinoy, gayung may banta pa rin ng Corona Virus, ito ay upang masiguro na rin ang kaligtasan ng mga batang atketa na sumasabak sa nasabing taunang kompetisyon.

Other News
  • Delivery boy kinuyog, sinaksak ng 3 magkakapatid sa Malabon

    ISANG 38-anyos na water delivery boy ang sugatan matapos pagtulungan kuyugin at saksakin ng tatlong magkakapatid na kapitbahay niya sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.     Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa mukha at hiwa sa likod na bahagi ng leeg ang biktimang si Joel Parola alyas “Negro”, ng […]

  • PBBM, itinalaga si Dennis Chan bilang DOJ chief state counsel; nagtalaga ng iba pang opisyal

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa gobyerno.     Sa katunayan, itinalaga nito si dating Office of the Solicitor General (OSG) lawyer Dennis Arvin Chan bilang bagong chief state counsel ng Department of Justice (DOJ).     Ang anunsyo ay makikita sa post ng  Presidential Communications Office (PCO), […]

  • Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics

    Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.     Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine.     Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang […]