• April 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos P.2M droga, nasamsam sa computer technician sa Valenzuela

BAGSAK sa kulungan ang isang computer technician na sangkot umano sa pagbibenta ng ilegal na droga matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa kanyang report sa bagong OIC Director ng Northern Police District (NPD) na si P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Negro”, 45, computer technician, ng Brgy. Lingunan.

 

 

Ayon kay Col. Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado hinggil sa umano’y pagbibenta ng suspek ng ilegal na droga.

 

 

Nang magawa nilang makipagtransaksyon sa suspek, bumuo ng team si Capt. Dorado sa pangunguna ni P/Lt. Johnny Llave saka ikinasa ang buy bust operation laban kay alyas Negro.

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang walong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba dakong alas-13:45 ng hating gabi sa kahabaan ng M.H Del Pilar, Brgy. Arkong Bato.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 27 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P183,600.00, buy bust money, P100 recovered money, cellphone at isang motorsiklo.

 

 

Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II of RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

 

Other News
  • DA Usec. Panganiban, itinalagang OIC ng SRA

    ITINALAGANG bagong OIC ng Sugar Regulatory Administration (SRA) si Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban.     Pinalitan ni Panganiban sa puwesto si dating SRA administrator David Alba.     “As per SRA charter, in the event that there is no administrator, the chairman of the board takes over as the OIC until […]

  • Sotto hinihintay pa ng Gilas para makumpleto ang line up sa FIBA Asia Cup

    Hinihintay pa ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para makumpleto na ang 20-man FIBA Asia Cup.     Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio na si Sotto lamang ang hinhintay nila para makumpleto na ang line up sa sasabak sa FIBA Asia Cup sa darating na Agosto […]

  • VP Sara nagpatutsada: Don’t be ‘tambaloslos’

    MATAPOS kumalas sa Lakas-CMD Usap-usapan ngayon ang ipinaskil na ‘cryptic message’ ni Vice President Sara Duterte sa social media, kung saan tinawag nito ang pansin ng isang tao at pinayuhang itigil ang pagiging ‘tambaloslos.’     “Sa imong ambisyon (sa iyong ambisyon), do not be tambaloslos,” ani Duterte, bilang caption ng kanyang self-portrait photo na […]