Halos P.4M droga, nasabat ng NPD-DDEU sa buy bust sa Valenzuela, 2 tiklo
- Published on December 16, 2024
- by @peoplesbalita
HALOS P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang itinuring bilang High Value Individual (HVI) matapos madakma ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni P/Capt. Regie Pobadora, OIC chief ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ang naarestong mga suspek na sina alyas “Allan”, 32, (HVI) at alyas “Lai”, 41, kapwa ng Brgy. Malinta.
Ayon kay Capt. Pobadora, ikinasa nila ang buy bust operation kontra kay alyas Allan matapos magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activitiesa nito.
Kaagad pinasok ng mga tauhan ni Capt. Pobadora ang isang bahay sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta saka inaresto ang mga suspek dakong alas-8:13 ng gabi matapos matanggap ang senyas mula sa isang operatiba na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska kay alyas Allan ang humigi’t kumulang 56 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P380,800.00, P1,000 buy bust money, digital weighing scale at itim na silang bag.
Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
Pinuri ni PBGEN Anthony Aberin, Acting Regional Director ng NCRPO, ang kasipagan ng NPD sa ilalim ng pamumuno ni COL Ligan sa patuloy na kampanya laban sa illegal na droga kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pakikipagtulungan sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng komunidad.
Inihayag naman ng NPD ang dedikasyon nito sa pagpapanatili ng batas at kaayusan sa pagpuksa sa mga operasyon ng ilegal na droga upang mapaunlad ang isang mas ligtas na kapaligiran para sa komunidad. (Richard Mesa)
-
China visit ni PBBM lilikha ng libu-libong trabaho – Palasyo
MAGBIBIGAY ng libo-libong trabaho para sa mga Filipino ang resulta ng naging state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang state visit sa Beijing, China kamakailan. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), naging matagumpay ang tatlong araw na biyahe ni Marcos sa China at mismong ang Pangulo na rin ang nagsabi na […]
-
Na-diagnose noong 2016 na may Alzheimer’s disease: Legendary crooner na si TONY BENNETT, pumanaw na sa edad na 96
BIBIDA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa month-long special ng #MPK o Magpakailanman. Si Alden ang unang aktor na mabigyan ng four episodes ng MPK sa buong buwan ng August. Unang episode ay “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” na mapapanood sa August 5. Tungkol sa runner […]
-
Alice Guo ‘iseselda’ sa Pasig City Jail – PNP
POSIBLENG ngayong araw mailipat sa Pasig City Jail si dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo. Ito naman ang napag-alaman mula kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, dahil kailangan pang ibalik ng Criminal Investigation and Detection Group ang warrant of arrest ni Guo sa Pasig Regional Trial Court. Ayon sa PNP, may ilan […]